Chapter 24 She wins

65 1 0
                                    

*******

"Ano na, Alexa?" Di ako makatingin nang diretso sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na nagsinungaling si Tiffany sa kanya. Ako yun! Ako yun!!

Siguro di na importanteng malaman nya yon. Matagal na kasi. May magbabago ba kung sasabihin ko pa yon? Wala naman diba? Baka nga awayin pa ako ng pangit na Tiffany!

"Ikaw talaga! E-eh kasi ikinuwento ni Marc sa kin." Ngumiti ako sa kanya pero parang nagdududa siya sa sinabi ko ah.

"Okay." Di na ako nagsalita. Di niya na rin ako tiningnan. Nakatuon ang buong atensyon niya sa maliit na kwaderno. Hay nako Drew.. Ang gwapo mo talaga tapos ang bait mo pa. Manhid ka nga lang.

Tumingin ulit siya sa akin. "May sinabi pa ba sayo si Marc?" Umiling ako. Kasi maraming di alam si Marc sayo Drew! Ako? Maraming marami. Di na niya ulit ako tiningnan. Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa kwaderno ulit.

Sumilip ako sa kanya. Ang gwapo talaga, di talaga akong magsasawang titigan ang mukha ng pinakamamahal ko. Pero ang tanga tanga ko talaga.

Bakit ko pa kasi nakalimutan yung kamatis?!

"S.. sorry ha kung bumili ako ng burger na may kamatis. Sorry. Nakalimutan ko kasi.. Paano nalang kaya kung di mo napansin yon..Siguro magagalit ka sa akin.. Sorry.."

Ngumiti siya sa akin. Nako naman talaga parang sasabog ang pwet ko!! "Buti nalang alam mo para sa susunod na bibili ka ng pagkain para sa atin.."

Napatalikod ako. Sa atin? Sa atin ha? Sa amin.. Oo. Tumalikod ako kasi ayaw kong makita niya akong kinikilig at parang tanga. Nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kulang na lang talaga ay yung mahimatay ako sa daming kidlat na dumadaloy sa ugat ko ngayon.

"Hoy Alexandra." Humarap ulit ako sa kanya pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko na ngumiti. Kinikilig ako. Araw araw.

"Ang pula mo. May nangyari ba?" Bumitaw siya. Hindi na niya hinawakan ang kamay ko. Umiling ako.  Hay, buhay naman. At syempre, dahil unang boyfriend ko, bigla kong kinuha ang kamay niya. Inilagay ko sa may dibdib ko.. Sa puso ko.. malapit.

"H.. hoy! Babae ka. Anong ginagawa mo!! H.. huwag mo ngang gawin yan!!" Pilit nyang kinukuha ang kamay niya sa akin. Drew naman!! May mali ba akong ginawa?

"Eeeeh naman! Sa may puso ko lang naman ilalagay ang kamay mo eh!!" Nag pout ako.

Huminga siya nang malalim. "Ah, good. Akala ko kasi sa may ano mo.." Hindi na niya ituloy. San ba?

"San ba dapat Drew?" Wala akong idea.. seryoso.. Teka lang, alam ko na!! Ang puso malapit kasi sa boobs!! Ayaw niyang ilagay ang kamay niya doon kasi malapit nga at kasi rin, maliit pa. Malaswa!! Pero ang galing ko ha, nalaman ko kaagad.

Binigyan ko siya ng isang ngiting nakakamatay. Biglang nagbago ang hitsura niya, parang nacucurious. Ang gwapo.  "Naman Alexa!! Magseryoso ka nga." At sa kwaderno ulit.

"Seryoso naman ako ah! Nako ang boyfriend ko takot hawakan ang puso ko. Eh para naman to sayo ha!" Tumingin ka sa akin Drew!! Pero hindi ko sasabihin yung boobs.

"Ano bang mga pinagsasabi mo dyan!" Eeeeh ngumiti siya, patago nga lang.. parang pinipigilan niya. Kahit na!! Ngumiti siya!!

"Eh kasi naman po, malapit ang puso sa boobs ko. Pero wala naman kang mahahawakan eh kasi maliliit pa. Diba? Tama ako diba?"  Ano!! Sinabi ko ba yon sa kanya. Ang tanga. Yumuko ako. Hiyang hiya. Tumawa ako. "Drew, kalimutan mo yon. Wala yon ha. Erase Erase."

Bigla siyang tumawa ng malakas. Ang sarap pakinggan. Napangiti na rin ako pero hiyang hiya pa rin. Medyo malaswa kasi yung nasabi ko. "Huwag ka na nga dyan! Kalimutan mo na yon!!" Hindi naman yon nakakatuwa ah.

Tumigil na siya sa pagtawa. Hay salamat naman! "Maliliit? Alexa!!" Tumawa na naman ulit siya. "Pasalamat ka mahal kita Drew!!"

Napatigil siya. napatingin ako sa kanya at siya rin. Gusto kong tumakbo. Ewan ko ba. Alam naman nya na mahal na mahal ko siya eh. Pero parang bakit...

"Drew!" Tumalikod ako at nakita ko si Tiffany. Papunta rito. Hindi ko magugustuhan ang masusunod na mangyayari.

Lumunok ako ng dalawang beses. Bigla siyang tumayo. Iiwan niya ba ako? Agad kong hinawakan ang kamay niya. Tumayo na rin ako. Ayaw ko siyang ibigay sa kanya. Sa akin ka lang sasaya Drew.. Please.

"Please, Drew?" Nagmamakaawa ako. Tininingn niya si Tiffany, ako.. Tiffany, ako.. Pusit, ako.. Si Paniki, ako..

Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. "Drew.."

Pero bigla siyang kumawala. At pinili niya si Tiffany.

Tumalikod kaagad ako. Ayokong makita nila ako na umiiyak. Ayokong makita ni Tiffany na nasasaktan ako kasi siya ang pinili ng mahal ko. Ayokong makita silang magkahawak kamay, nagtatawanan kasi gusto ko kami lang dalawa.

Napangiti na lang ako.. and for the nth time, nanalo na naman ang karibal ko.

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon