Chapter 21 Disappointed

88 1 0
                                    

********

"Im so sorry." Inulit na naman niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ibababa ko ba? O tatanggapin ko yung sorry niya? O mag i-ilove you sa kanya? Isip!!

Napangiti na lang ako bigla. Kasi first time to eh.  First time nag sorry si Drew sa akin. Alam kong siya to. Boses pa lang niya. 

Andami na niyang kasalanan sa akin pero balewala lang yon kasi mahal ko siya. Minsan hinihingi ko na sana magsorry siya sa akin tapos bibigyan niya ako ng flowers tapos ikikiss niya yung noo ko para sweet. Pero ngayon? Thru text lang, okay na yon no!

 Tama! Tama na ang pagiging pakipot. Tatanggapin ko na ang sorry ng my loves ko. Minsanan lang kasi mangyari to eh at tsaka nararamdaman ko naman na talagang sincere siya.

Eh sino ba naman kasi ang hindi makokonsensya na dahil sa kanya, andito ako sa hospital! Eh hindi ko naman talaga siya sinisi eh.. Ako rin kasi nag insist na samahan niya ako maghanap ng mga palaka doon.

At tsaka rin naman, kasalanan ko kung bakit hindi ako nagdala ng payong. Di na talaga ako nadala noon pa! Hay nako Alexa.

Tama na nga yan Alexa!! Kita mong naghihintay si Drew sa sagot mo..

Sige na nga! Patatawarin ko na nga siya! Di ko kasi matiis eh. "Hello?" Napangiti na lang ako.. Eh kasi kinikilig. Napa fingers crossed ako.

"Hello? Hi?" Teka, parang wala nang sumasagot ah! Aaaah! Langhiya! Ganon na lang ah? Bigla nalang binaba!! Tsssk

Tiningnan ko ang hawak kong cellphone at bigla kong binatukan ang ulo ko! Alexandra!! Bobita ka talaga!!!!

Nakita kong napindot ko pala yung pula.. yung pang end call!! Pwede.. pumatay ng tao?! "Aaaaaaaaaah!!!!"

Napasigaw ako sa sobrang inis at paghihinayang!! Nako!! Ang tanga ko talaga! Wala pa akong load ngayon.. Siguro nadismaya na yon o baka nagalit!!!

Bigla na lang sumulpot si Clarisse. Hay nako! Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang kaba, kala ko kasi kung sino. Tama, andito pa pala siya.

"Bakit ka sumigaw? May nangyari ba?!" Kitang kita ko sa mga mata niya na kinabahan talaga siya.. Ang OA naman nito!

"H-hindi naman. May ipis kasi." Nagsinungaling ako. Ayoko kasing malaman niya na tumawag si Drew at binaba ko yung tawag ng my loves ko..

Lumaki ang mga mata niya. Napatawa na lang ako kasi may takot to sa ipis eh! "Ehhhhhh Carioso naman eh!!! Talagang malilintikan ka sa akin maya! Isusumbong kita sa Kuya mo." 

"Kung kaya mo akong isumbong sa kuya ko! Tsk." Biglang nag ring yung cellphone ko. Napatingin kaagad ako kay Clarisse na ngayoy nakatingin sa cellphone ko.

Anong gagawin ko? Teka.. Anong gagawin ko? Aaaaah!

Kinuha ko kaagad at ngumiti kay Clarisse na seryosong tinitingnan ang cellphone ko. "Teka lang girl ah. May tumatawag eh. baka classmate natin to." Hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan ako.

Putakte! Si Drew!! Si Drew! Nagpapanic yung puso ko. Parang gustong lumabas sa katawan ko. Aaaaaaaah!!

Eto na! Pinindot ko na yung green.. Shocks!! Ano ba kasi.. yung puso ko. Hindi diba ako nananaginip? Totoo ba to? Pwede bang may ambulansya sa likod ko? Eh kasi naman ehh! Bakit ngayon pa? Pwede.. Drew.. Buk-

"Hello?" Lumunok ako ng tatlong beses.. Aaaaaaah!

"Sorry.." Tinakpan ko ang bibig ko. Yung ngiti ko kasi. Napupunit na!!

"O-okay lang eh kasi.. nangyari na eh!" Tinakpan ko ulit ang bibig ko baka ano pa ang masabi ko. Tiningnan ko si Clarisse na ngayoy nagbabasa ng magazine. Phew! Buti na lang!!

"Musta? Okay ka na ba?" Aaaaaaaah! Parang kaming mag-asawa. Kulang nalang ng mga anak!!!

"Okay na.." Kasi narinig ko ang boses mo syet ka Drew!! Nagpapanic ang puso ko!!

"Aaah. Okay ka na ba? Sure ka?"  OO sabi eh kasi narinig ko ang boses mo tapos tinawagan mo pa ako para itanong kung okay na ba ako! Oo Drew!! Sobra!!

"Oo." Ang tipid ko naman atang sumagot. Bahala na nga!

"So, papasok ka na bukas?" Tumango ako. teka, makikita ba ni Drew na tumango ako? Nako Alexa naman..

"Ata.. susubukan ko. Bakit Drew?" Kaya nga! Bakit Drew? Kasi namimiss mo na ako no? Nako Drew ikaw naman! Hayaan mo balang araw magsasama na tayo sa iisang bahay at mamumuhay nang masaya!!

"Pumasok ka na please.." Tinakpan ko ulit yung bibig ko kasi lumalapad na naman ang ngiti ko. Namumula na ata ako. Buti nalang hindi ako nakita ni Clarisse.

"B-bakit?" Namimiss na nya talaga ako!!!!

"Tambak kasi yung homeworks eh alam mo namang hindi ako magaling sa math. I need your help." Kinagat ko yung ibabang labi ko. Syet ka Drew! So.. ganon na lang? Uminit yung ulo ko sa sobrang pagkadismaya!

"Aaaaah! Bahala ka dyan!!" Agad kong binaba ang tawag. Bahala siya!! Nag expect pa naman ako na iba yung sasabihin niya.

Wait.. Bakit ko yon ginawa?! Bakit mo yon ginawa Alexandra??

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon