Chapter 23 It was me

96 2 0
                                    

*******

"At talagang malandi ang babaeng yon kanina no!! Date raw? Eh kung hindi ako dumating, itutuloy mo ba yon? Yung date?! Ha?!" Galit na sabi ko kay Drew. Hindi naman sa galit ako..  Hmm, galit na galit!!

 "At buti na lang talaga nakita kita! Hinanap kita kasi nami-m.. ano.." Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya na hinanap ko siya kasi namimiss ko siya, sobra.

Bigla siyang tumingin sa akin. Wag ka namang ganyan Drew!! Mas lalo akong naiinlove sa yo. "Ano b-baka kasi yung ano mo.. sa math! Baka kailangan mo ng tulong.." Phew! Buti na lang. 

Ngumiti siya. Oh my ngumiti siya!! shz Bakit, Drew?! Pero di siya nakatingin sa akin. "Thanks." Napasigaw ako sa sinabi niya. Napakunot yung noo siya at ngayoy tinitingnan na niya ako. "May mali ba sa sinabi ko?" Umiling ako. "Wala naman. Masaya lang ako." Hay nako naman talaga.

Seryoso niyang tinitingnan yung papel na sinagutan ko kanina. Di ko alam kung bakit sa math lang siya nagseseryoso.. sa science pala? sa history?

"Drew?" Bahagya siyang napatingin sa akin. "Hm?"

Teka, paano ko ba sisimulan to? "A-ano kasi." Teka, bakit ba ako kinakabahan eh ang simple lang naman ng tanong ko.. Eh kasi panay yung tingin niya sa akin..

"Kasi bakit sa math ka lang nagcoconcentrate? Yung ibang subjects mo pala?" Umiwas siya ng tingin.. Siguro may malalim na rason. Alexa naman kasi eh.

"Trip ko lang." Yun lang? Ang babaw naman pala. Akala ko ang sasabihin niya is 'kasi isa to sa mga paborito mong subject Alexa..' Nako! Nasa langit na talaga ako nyan..

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon