Chapter 11 She's Danna

81 1 0
                                    

********

"ALEXANDRA!" Di ako makalingon sa tumatawag sa akin. Natatakot ako, pinagpapawisan, parang hindi ko kasama si Clarisse. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko.. Papa!!!

Hindi na ako nagsalita, iniwasan ko na lang siya at naglakad nang mabilis.

"Alex, tinatawag ka ata." Di rin makalingon si Clarisse. Ano ba yan!

"Di ko yun kilala no? Halika na nga!" Naglakad kaming dalawa, iniwan yung taong tumatawag sa akin. Baka kasi nakita nya yung nangyari kanina.. yung ipis at tska si Tiffany. Ginawa ko lang naman kasi yon kasi malandi siya! Bagay lang yon sa kanya!

"Oh my gosh, Alex. Nararamdaman kong papalapit siya sa atin." Umiling siya. "Hindi, sayo. Papalapit sayo." Huminga ako nang malalim. Bahala na nga, hindi ko pa rin aaminin na ako ang may gawa non.

"Hayaan mo yan Cla! Punta tayo don! Guni guni mo lang yon!" Ngumiti ako sa kanya, gusto kong mawala yung kaba naming dalawa.

"A-anong guni guni?! May tumawag talaga sa yo!" Alam ko kaya nga iiwasan ko, diba?

"Kinakabahan ako Cla, lika na please. Wag mo na nga yang pansinin!" Hinawakan ko yung kamay niya at naglakad kami nang mabilis.

Nakita kong sinilip nya yung tumatawag sa akin. What the?! 

"O-oh m-my.. Alexa!!!" Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, gusto kong tumakbo, bahala na siya dyan!

Nang nakahakbang na ako pasulong, bigla naman nyang hinawakan yung balikat ko, kusa akong tumalikod at nakita ko siya. Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!

Aish! Si Kuya lang pala pero bakit nag-iba ang boses? Nagdadalaga. Di ko na napigilang tumawa. Si Clarisse eh namumula na kasi kasama ni Kuya si Mica, kinikilig ata.. Bagay nga talaga sila!

"K-kala ko kung s-sino! Ikaw lang pala K-kuya.." Nauutal kong sabi.

"May ginawa ka na naman ba? Kinakabahan ka no?" tanong niya sa akin. Pasalamat siya, kasama niya si Ate Mica kung hindi.. sasabihin ko na talaga yung mga pinaggagawa niya, yung mga tula niya para kay Ate..

Umiling ako, umiling rin si Clarisse. "W-wala no? Hi Ate Mica!!!" Nag change topic na ako baka san pa kami mapunta.

"Hi, sandra!" Siya lang ang tumatawag sa akin ng Sandra. Karamihan kasi.. Alex, Alexa, Lex..

Lumapit ako kay Kuya at kinurot yung pisngi nya. "Oooy Kuya, san kayo pupunta?" Umiwas ng tingin si Kuya sa akin. nako, lagot ako mamaya pero kitang kita ko na namumula siya. Ang sarap asarin!

"S-sa canteen! Tsk." Inilapit ni Kuya yung mukha niya sa tenga ko. "Malilintikan ka sa akin mamaya!" Eh di, lagot na ako mamaya kaya, lubus lubusin ko na!

"Sa canteen? Ikaw talaga Kuya. Diba busog ka na?" Kumunot yung noo nilang lahat.

"Busog ka na pala Sander eh!" Sabi ni Ate Mica.

Tumango ako sa kanya. "Oo, Ate.. busog na busog na yan eh. Eh kasama ka kasi niya kaya busog na siya sa pagmamahal." Tumawa ako nang malakas at tumakbo ako papalayo kay Kuya pati na rin si Clarisse eh tumawa, Sinundan nya ako.

Talagang mapapatay na ako ni Kuya pagdating ng bahay mamaya. Papa!!!!!!!!!

*********

Nakahinga na ako nang maluwag, kala ko kasi mahuhuli na talaga ako, buti na lang si Kuya lang yong tumatawag sa akin.

Nasa classroom na kami ni Clarisse. As usual, tahimik lang yong room kasi first section eh. Expected na kasi na lahat ng estudyante dito ay tahimik, may hawak na libro palagi. Tsk

"Di ko din alam eh." Sagot ko sa tanong ni Clarisse. Ang tanong kasi niya ay kung babalik pa ba yung scholarship sa isang university sa abroad. Gustong gusto nya kasi mag-aral don.

Gusto na din nya sigurong makalimutan si Marc.. forever!!

"Ikaw girl, dito ka din ba mag-cocollege?" Bumuga ako ng hangin. Di ko alam, siguro, hindi.

"Ano ba yan! Future minded ka masyado! Second year high school pa nga tayo!" Tumawa siya nang mahina. "Ay, oo nga! Sabi ko nga!"

Tiningnan ko yung orasan sa room, mag fi-five na pala. "Halika na Clarisse. Uwi na tayo pero dadaan muna tayo sa basketball court ah please?" Umiwas siya, tama.. basketball player rin pala si Marc.

"Sige, mauna ka na lang. Okay?" Tinapik ko siya sa balikat.

"H-hindi ka ba magagalit? S-sigurado ka ba?" Ngumiti ako at tumango.

"Mauna na ako ah? S-sorry Alex."

"Okay lang. Geh! Ingat!!" Nag wave ako ng kamay sa kanya.

Papunta na ako ng basketball court nang biglang may bumangga sa kin. Gusto ko sanang magalit pero nang nakita ko yung mukha niya, hindi pwede.

Si Danna.. Si Danna Jimenez, ang kapatid ni Drew. Gusto kong sumigaw, gusto kong magtago. Ewan ko, natatakot ako sa kanya. Ayaw niya sa akin.. para kay Drew.

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon