Chapter 22 She's Back

105 3 0
                                    

********

Alexandra!! "Ouch!!" Bigla kong binatukan ang ulo ko. Nakakainis naman kasi. Bakit ko kasi nagawa yon? Nasigawan ko siya tapos binabaan ko pa. Ang galing naman. Ang pinakamamahal ko.. nako naman!! 

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko pero pusang gala naman oh! Nakapatay pala.. Pinatay ko. I-non ko ulit.. at wala na. Hay!! Gusto kong sumigaw pero si Clarisse kasi eh.

"Nangyari?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "W-wala. Masakit lang ulo ko.." Pagsisinungaling ko.

"Ikaw naman kasi Alexa!! Kita mong masakit pa pala ulo mo tapos may kausap ko sa phone. Yung radiation!!" Ang OA OA talaga nito.

"He! Wag ka namang OA." Palihim kong tinatago ang cellphone ko sa likod ko. "Hoy babae ka! Akin na nga yang cellphone mo." 

Napaubo ako ng dalawang beses sa sobrang kaba.. Ay teka nga lang! Bakit ba ako kinakabahan. Eh pwede ko namang  hindi ibigay no.

"Akin na." Tiningnan ko lang siya. Di ko alam kung ibibigay ko ba o hindi nalang?

"Eh wala akong load Clarisse eh.. Kung makikitext ka, mamaya na lang pag andito na si Kuya.. T-tama! May load yun super!!" Tumawa ako.

"Parang baliw ka! Ibigay mo na kasi eh.." Umiling ako. Nako naman Clarissesita!! Tigilan mo na ako!

"Eh lowbat na kasi ako." Lumunok ako ng dalawang beses. Di ko na alam kung ano pa ang irarason ko sa kanya.

"Hmp! Kahit na. Akin na." Kinagat ko ang labi ko. "Lowbat kasi diba?" Nagsmile ako sa kanya para di niya mahalata na ayaw ko talagang ibigay sa kanya.

"May tinatago ka sa kin." Umiling ako. "Wala kaya! Ikaw talaga!!"

"Hay nako Alexandra! Alam ko kaya na si Drew yung kausap mo kanina. Sinabi sa kin ni Marc." Napatingin kaagad ako sa kanya. Paano nila nalaman? Paano? Nag-uusap na silang dalawa?Ayeee!!

"Ooooooy! Ehhhh ikaw naman ata ang lumalandi sa ating dalawa ah!" Iniwasan niya ang tanong ko. Lumayo siya sa akin at umupo sa couch at kinuha yung magazine.

"Hoy babae ka! Clarissesita! Sagutin mo nga ako. Kayo na ulit?" Hindi pa rin siya sumasagot. Eh hindi nga rin ako tinitingnan.

"May load ako. Bahala ka at itetext ko si Marc. Itatanong ko sa kanya ang mga tanong na pilit mong iniiwasan. Bahala ka talaga dyan.." Palihim akong ngumingiti. Alam kong sisigaw ang babaeng to  at sasagutin na lahat ng mga tanong ko..

Tiningnan ko siya kung naapektuhan ba siya sa mga sinabi ko pero tedeeng! Wala.. as in wala.

"Hoy! At talagang di ka sasagot ah! Hoy sabi eh!!" Binitawan ko na lang ang cellphone ko at tumayo papunta sa kanya. Tinatakpan kasi niya yung mukha niya ng magazine eh.

Putakte!! Pulang pula ang pisngi. Halatang kinikilig sa tanong ko!! Nako talagang babae to! "Tingnan nyo po ang pagmumukha ni Clarisse.. Kitang kita po na namumula ito.."

"He! Tigilan mo na nga ako dyan Alexa!! Ikaw nga parang buntot ni Drew palaging nakasunod." Napalunok ako sa sinabi niya. Tama nga siya. Hindi naman ako masyadong naapektuhan kasi totoo naman.

"Sabi ko nga. Alam ko pero kayo na ba ulit? Eto talaga!!!" Ginulo ko ang buhok niya. Hay gusto ko nang lumabas dito.

"S-siguro." Umiling siya. "Di ko alam. Susubukan ko muna siya." Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Mag-aral ka nga muna!" Napatawa siya sa sinabi ko! Aba at tinawanan pa talaga.. eh hindi naman ako nagbibiro ah.

"Ikaw din kaya Alexandra Carioso. Mag-aral ka muna!" Tsk. Dinamay pa ako. Talaga!

******

Kanina ko pa hinahawakan at tinitingnan ang cellphone ko. Nagbabakasakaling tatawag si Drew pero wala eh. Wala rin kasi akong load. Gusto ko sana siyang itext pero ayaw akong payagan lumabas ng hospital at magpaload sa tindahan. Nakakalungkot naman talaga.

Hindi ko kasi mautusan si Kuya dahil sasabihin na naman niya na itetext ko si Drew at blabla at baka kukunin niya ang celpphone ko.. Nako malilintikan na!

Biglang lumapit si Mama at hinawakan ang noo ko. "Okay ka na? May gusto ka bang kainin?" Tumango ako at umiling. Busog na kasi ako sa biniling pagkain kanina ni Kuya. 

"Ma, uwi na tayo." Nagmamakaawang sabi ko.

"Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?" Tumango ako ng tatlong beses. Gustong gusto!! Nnghihina na kasi ako dito.

 "Di ka muna papasok ng school. Okay?" Ano? Bakit? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ma?"

"Haaay! Kailangan mo kasing magpahinga muna bago ka pumasok sa school. Masyado ka nang naiistress. Ang batang bata mo pa, huwag mo naman sanang abusuhin ang katawan mo, nak." Tama si Mama. Ang bata ko pa nga talaga. 2nd year highschool.

Si Drew kasi! Kung hindi niya lang sana ako iniwan doon, sana hindi niya ako hinayaan na mabasa ng ulan.. sana hindi niya akong hinayaang mainlove sa kanya. Minsan nga sumasagi sa pagmumuni ko kung paano.. kailangan ko na siyang isuko?

H-hindi!! Hinding hindi yan mangyayari!! Grabe kaya! Kinder pa lang kami eh crush ko na yan. Sa kanya lang talaga tumitibok ang puso ko nako ang korny.

"Okay Ma basta uwi na tayo ah? Ngayon na ma ha?" Ngumiti ako sa kanya. Tiningnan ko si Kuya at abalang abala sa pagtetext. Siguro nagtetext sila ni Ate. Ang sweet naman eh!!

*********

"Girl!!!!!" Napabuga na lang ako ng hangin sa pagsigaw ni Clarisse. Hindi ako masaya ngayon kasi kanina.. Dinaanan ko yung classroom niya pero hindi ko siya nakita. Pinuntahan ko rin ang basketball court.. wala rin siya doon. Canteen, sa likod ng school, kahit sa labas.. wala siya talaga.

"Nakita mo ba siya?" 

"Si-" Di ko na siya pinatapos. "Clarisse naman!! Nakita mo ba siya? Saan siya? Si Drew?" Bigla siyang ngumiti. Ano ba naman to!!

"Clarisse naman eh. Kailangan ko siyang makita." Ngumiti na naman siya ulit. Bahala na nga! "Fine! Tsk aalis muna ako. Hahanapin ko siya. "

"Hoy babae ka! Nasa library palalabs mo. Kasama si Ma-.. s-si ano. Y-yung classmates niya ata." Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Obvious naman kasi na imemention niya yung name ni Marc.

Humarap ako sa kanya. "Kasama si MARC. O sige salamat!!!" Inirapan niya lang ako. To talaga oh!!

Tama nga, di ko pinuntahan ang library kanina. Bakit kaya siya nandoon. Nako kailangan ko nang magmadali!! Drew my loves!! Makikita na rin kita sa wakas!

Nang nasa loob na ako ng library, parang akong tangang nakatayo lang. Hinahanap siya. Asan kaya yon? Baka pinaglalaruan lang ako ni Clarisse..

"Eh hindi ko alam eh.. Pero pag tama ang answer ko, date tayo ah, Drew?" What the- Hinanap ko kaagad ang boses ng isang malanding babae. Drew raw? Date? Itatapon ko ang mukha niya sa Ilog!!!!

Ayon! Kaagad ko silang pinuntahan. Sheet ang gwapo niya talaga. Malapit na malapit na ako Drew!!!

Lumunok muna ako bago ako magsalita. This is it!!!! Makikita ko na rin siya sa wakas. Nakayuko kasi siya. Pumunta muna ako sa likod niya na hindi niya napapansin. Sumilip ako sa notebook niya. " Equation. 2x+5. Equate mo to zero so. and value ng x is -5/2. Hindi 4."

Nakita kong nakatingin nasiya sa akin. Kaya binigyan ko siya ng super smile na tatagos sa puso niya!! "A-alex.." nako.. aaaaaaaaah! Mamatay na ako!! Drew naman kasi.

Kinuha ko yung bag niya. Inilapit ko yung mukha ko sa kanya. "Im back!! Lika tuturuan kita." Shet ka Alexandra!!! Kinikilig na ako!!

Tumayo siya.. Oh my tumayo nga siya. Kitang kita ko na na nagulat ang babaeng katabi niya. Tsk buti nga!!

Nang nakalabas na kami ng library.. Di ko mapigilan ang saya ko kaya tinakpan ko ang bibig ko. "Drew!!!!! Date tayo ha!!!" Nako, di ko na nga talaga napigilan!!

"Ha? Okay ka na?" Shet yung boses!!!

Tumango ako. "Super! Lika ka na! Tuturuan na kita at magsasama na tayo habambuhay." Napalaki ang mga mata ko sa huling sinabi ko. Narinig niya kaya yon? What the Alexa!!! Hindi ako makatingin sa kanya!!

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon