Chapter 3 Necklace

137 1 0
                                    

*****

"Hoy Alexa! Ang tagal mo ah!" Sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko. Gusto ko kasing suotin yung necklace na bigay ni Papa sa akin non pero nakalimutan ko na kung san ko yung huling nakita.

"Teka nga lang Unggoy! May hinahanap pa yong tao eh." Sigaw ko naman sa kanya.

"Anong unggoy?! Ikaw talagang orangutan ka! Lumabas ka na nga dyan! Malalate na tayo!! Ano ka ba! Hinihintay na tayo ni Mama sa baba. Bilisan mo nga!" Ewan ko pero tumnago ako sa mga pinagsasabi nya kahit hindi nya ako nakikita.

"Nako. Andon na si Drew.." Narinig kong bulong nya. Nako kailangan ko na nga talaga magmadali. Ikaw talaga Alexa.

Nang nakalabas na ako ng kwarto eh sinalubong ako ng kuya kong nakangiti na parang baliw. Eh pinag tritripan ba ako neto. Pasalaman sya gwapo sya, Oo. Masakit man aminin eh gwapo tong kuya ko kaso nga lang manhid. May crush kasi eto eh, eh crush rin sya.. Ayaw nyang ligawan baka magsawa sa kanya. Tsk

Kinurot ko sya sa pisngi at sabay takbo. "Mica!" Sigaw ko sa kanya. Pangalan yon ng crush nya eh. Namumula na yon for sure. Mabuti pa sya eh mutual sila ng feelings sa isa't isa eh. Ako? Sige lang. Alam kong darating ang araw na magkakagusto rin sya sa akin.. Mali, mamahalin nya ako. Bahala na! Palagi ko na lang ini imagine na sa isang napaka romantic na lugar eh doon nya sasabihin yung matagal na nya pala akong gusto. Hay, nakakatuwang isipin pero umaasa akong mangyayari yon sa tamang oras.

******

"Nag deday dream ka na naman na sana eh luluhod sa harapan mo ang Drew mo at mag popropose sayo no? Ngek ngek mo, hindi yon mangyayari kasi hindi ka nya gusto." Nasaktan ako sa sinabi ni Kuya pero ngumiti ako sa kanya.

"Hindi naman talaga nya ako gusto. Mahal nya ako eh." Tumawa siya at kinurot siya ni Mama. Buti nga sa kanya. Bastos eh nasa simbahan.

Naalala ko yung assignment nya. Buti na lang at natapos ko na yon kagabi. Mga 2am na siguro ako nakatulog non. Pero ewan ko, hindi ako nakaramdam ng pagod kasi ginusto ko eh.

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon