Chapter 10 Cockroaches dancing on the floor

109 3 1
                                    

********

"Ano?! B-bakit mo yon ginawa?" Sinigawan ako ni Clarisse, eh sa hinalikan ko lang naman sa cheeks si Drew ah, hindi naman sa lips. Hayaan mo Alexa, balang araw. Ay hindi, nagawa ko na pala yon.

"S-sorry na nga sabi Cla. Ang bango nya kasi.. kaya ayon, hinalikan ko siya. Nakakahiya ano?" Bigla nya akong binatukan sa ulo.

"At talagang nahiya ka pa! Hay nako Alexandra.. sanay na ako sa yo no. Hinalikan mo nga sya non sa lips nung sa camp.. grade 5 pa tayo non. Ibang klase ka talaga magmahal girl. S-sana. Aish!" Umiwas siya ng tingin sa akin. Tanungin ko kaya. Tsk tsk

"Sana, ano? Si Marc na naman?" Yung mukha niya eh nalungkot bigla, gusto ko talaga siyang sampalin kasi may mga mas gwapo pa kay Marc sa loob ng school, di nya lang pinapansin. Kagaya ko.. Hmm. Okay.

Kailangan ko na atang sabihin sa kanya yung nangyari kanina. "Nag-usap kami ni Marc kanina." Biglang lumiwanag ang mukha niya, kala ko ba nakapag move on na? Eh sa sinabihan ko lang naman si Marc. Gusto ko kasing makonsensya ang lalaking yon dahil sa ginawa niya sa kanya.

"Girl, tinanong ko siya kung mahal ka ba niya. Sumagot din naman siya ng oo pero nung tinanong ko ulit siya kung mahal niya si Monique.." Lumunok ako ng dalawang beses, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Hinawakan nya bigla yung kamay ko, naghihintay na tatapusin ko yung kwento ko. This is it.

"D-di ko ata kayang.." Mas hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. "Please. After this, I promise. I'll move on." Heto na naman ang english nya!!

"Mahal nya rin si Monique. Ngumingiti siya habang sinagot yung huling tanong ko sa kanya. I-im-" Yumuko si Clarisse pero nakita kong pinipigilan nya ang pag-iyak. Niyakap ko siya kasi hindi ako sanay na nakikita syang ganyan..

"I knew it! Thanks Alexa. Mag momove on na talaga ako. I swear!" Tumayo siya. Hay, alam kong pilit nyang nilalabanan yung iyak nya through laughing.

"Itetreat kita after this!" Yes! Libre, oh sure. Tumango ako sa kanya. Kukunin ko na sana yung bag ko nang biglang dumaan si Drew kasama si sht! Tiffany! Hindi pa talaga.. argh! pwes! Humanda siya!!

*****

"Ano ba yan, Alexa!! Eeeeeh!!" Tinakpan ko yung bibig nya, ang ingay kasi baka hindi ako magtagumpay sa gagawin ko.

"Ssssh- wag ka ngang maingay! Kita mong.. Eeeeh! Yung ipis. Nakatakas!!!" Agad kong hinabol yon kasi ang hirap kaya makakuha non. Tsk

"H-hindi ka ba nandidiri?! A-alexa!! Please." Kinuha ko sa kanya yung clip at hinabol ko pa rin yung ipis kahit nahihirapan na ako. Yes! Para kay Drew!

Umiling ako. "Hindi. A-ayon! Nakuha na rin kita sa wakas!" Agad binigay ni Clarisse yung lalagyan ng mga nahuli naming.. nahuli kong ipis. Takot kasi siya sa ipis. Ako? Hindi naman kahit nakakadiri..

"A-ano ba kasi ang gagawin mo dyan? Alexa!! Aaaah! I-ilayo mo nga yan sa a-akin!" Tumawa ako, ang cute nya kasing matakot! Kaya inilapit ko yung lalagyan ng ipis.

"Pasalamat k-ka. Alexa sabi eh!!!" Namumutla na siya. Nako, Alexa!!

"Girl, ayoko kasing magtagumpay si Tiffany, kilala mo yon? Yung malanding babae? Kala mo maganda eh hindi naman, mukha non parang pwet ng lamok." Tumawa siya nang malakas kaya agad kong tinakpan yung bibg niya. Baka may makahuli sa amin dito sa lumang bodega.

"Ang ingay mo! Sige ka, ilalabas ko talaga itong ipis at ibibigay sa yo." Pagbabanta ko sa kanya kaya ayon, tumigil siya. Hay salamat.

Marami na rin kaming.. Marami na rin akong nahuhuling ipis, hindi kasi ako tinutulungan ng kasama ko ngayon kasi nakakadiri daw ang pinaggagawa ko ngayon. Eh sa mahal ko sabi eh, wala na akong pakialam don.

"Anong ginagawa nyo dyan?" Lumunok ako, ito na nga ba ang sinasabi ko.

Tiningnan ko si Kuya Ton, yung tagalinis ng bodega. Ngumiti ako sa kanya, matagal ko nang kakilala si Kuya. Nung elementary pa kami. It was a long, long story.. At syempre, nagkakilala kami dahil kay Drew. May ginawa kasi ako dati.

"Kay Drew na naman?" Tumango ako, si Cla eh nakatingin lang sa kanya. Pogi rin kasi si Kuya Ton.

Ang totoo, mayaman yan siya. Tinatago nya lang kasi ayaw nyang makipagkapwa-tao sa mga taong ang habol lamang sa kanya eh pera kaya ayon, nagtatrabaho siya dito sa school pero nag-aaral rin siya. Ang galing no?

"hay nako Alexa, buti na lang may kasama ka ngayon.. Kung wala. Nako! Baka maulit na naman ang nangyari." Naramdaman kong parang gustong malaman ni Clarisse ang ginawa ko noon. Mamaya ko na lang ikukwento.

"Kuya naman! Tsk tsk, mabuti pang tulungan mo kaming manghuli pa ng dalawang ipis."

"Ewan, sige mauna na ako." Kumunot yung noo ko. Hindi kasi ganito si Kuya Ton, tinutulungan nya talaga ako pero ha? Nangyari?

"Ganyan ka naman talaga Kuya Ton! Porket kasama ko si Clarisse!" Ngumiti ako nang nakakaloko sa kanya.. Di ko din alam kung bakit ko yon nasabi. Ngumiti si Kuya sa akin.

"Regards mo nalang ako sa sinasabi mong Clarisse." Ayon, biglang nawala.

"Alexa!!!! A-ano ba yong m-mga pinagsasabi mo ah? Oo, gwapo nga siya." See? Malandi rin eh.

"Ano nga ulit pangalan non? Ton? Yung surname?" Nako, alam ko na kung ano ang gagawin nito. I sesearch niya sa facebook. Ewan ko lang kung may fb ang taong yon.

*******

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Alexa? Ako kasi ang kinakabahan eh." Tumango ako nang dalawang beses sa kanya. Matagal ko na tong ginagawa so, sanay na ako.

"Teka, sigurado ka bang andito sila sa loob ng room?"

"Oo, nakita ko. Titingnan ko muna." Nag thumbs up siya sa akin. So andito nga.

"Anong gagawin mo?" Ngumiti ako.

"Alam mo na yon! Wag kang maingay ah? Please?"

Perfect! Malapit lang si Tiffany sa may pinto kaya madali lang sa mga ipis na lapitan ang pesteng si Tiffany ew.

Dahan dahan kong binukas yung lalagyan at agad namang nagsitakbuhan yung mga ipis patungo kay Tiffany!! Good job boys!! Oh, I love this!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Narinig namin ang tili niya kaya agad kaming tumakbo ni Clarisse para hindi kami mahuli. Di ko na rin nakita si Drew. Pero ang saya, sana nagtagumpay ako.

Nang nasa malayo na kami, nakahinga ako nang maluwag kasi di ko din alam eh. Siguro kasi natakot siya.

"ALEXANDRA!" Lumaki yung mga mata ko. Gusto kong tumakbo arrrgh!!

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon