Chapter 6 She knows

128 2 1
                                    

*******

Nagtext muna ako kay Kuya na gagabihin ako dahil may gagawin pa akong project, ang totoo, nagsinungaling ako. Gusto kong sundin sina Drew at ang pesteng babae. Pinunas ko yung mga luhang nagbabadyang tumulo habang naglalakad ako sa likod nila. Ayokong umiyak, feeling ko kasi ang hina ko.

Tinakpan ko ng panyo yung kalahati ng mukha ko. Nagjacket na rin ako pero pag once na makita nila ako, malalaman nilang sa iisang paaralan lang kami nag-aaral. Wala kasi akong dala extra shorts. Yung palda ng uniporme, eh kitang kita. Bahala na nga.

Nagtago ako sa may pader ng isang malaking mall. Oo, nasa mall sila nag dedate. Pweh! Ang mahal naman. Pumasok sila sa isang coffee shop.

Ang babae, peste! Todo hawak sa braso ni Drew. Kulang na lang eh dilaan niya. Yucks. Hindi ako makapasok kasi maliit lang kasi yon, baka mahuli nila ako. Lagot na.

Kaya umupo ako sa labas ng shop. May mga upuan kasi don para sa mga matatanda. Mabuti na lang mabait yung nakatabi ko at pina upo ako. Ngumiti ako sa kanya pero tinatakpan ko pa rin yung mukha ko. Arrrgh, ang landi talaga!! Bohset

"Iha, bakit mo tinatakpan ang mukha mo?" Napatingin ako sa matandang babae. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ang isasagot ko. Ayoko kasing magsinungaling sa mga matatanda.

Malaki ang respeto ko sa kanila. "Ahm, a-ano p-po kasi.. May s-sinusundan ako." Im stuttering. Oh Gosh.

"Yung lalaki ba na nasa shop, ano, Iha?" Lumaki yung mata ko. Gusto kong lumipat, gusto kong lumayo. Sht.

Tumango na lang ko sa di malamang dahilan, basta tumango ako ng dalawang beses sa kanya. Narinig ko ang pagtawa niya. Nakakainis ah!! Bumuga siya ng hangin.

"Hay Iha, kilalang kilala na kita. Matagal na kitang nababantayan na sinusundan mo siya sa tuwing may kasama ang lalaking yan. 2 years ago.  Sa may food chain, natapunan pa nga ikaw ng spaghetti diba? Gusto mo kasing malapit ka sa kanila kaso ayon ang nangyari. Ang nakakatuwa eh nakita kong nilagyan mo ng daga yung bag ng babae kahit ang dumi dumi muna." Tumawa ulit siya.

2 years ago.. Yes, elementary pa kami noon, same school. Sinundan ko siya, kasama niya si Tiffany. Yung friend ko, yung bweset, yung parang hipon ang mukha. Galit na galit ako sa kanya kasi palihim pala silang nagdedate ni Drew. Sa sobrang galit ko eh, nung nagdedate sila. Nilagyan ko ng daga at mouse catcher yung bag niya kahit natapunan na ako ng spaghetti.

Ayon nga ang nangyari, nahimatay si Tiffany. Gusto ko talagang tumawa sa nangyari para kasi akong nanonood madramang telenovela. Pagkatapos non tumakbo ako. Buti na lang at hindi ako nahuli na ako pala ang kagagawan non. Hindi kasi ako nag uniforn. Pants lang tapos white t-shirt. Nung nasa cr na ako eh nagpalit ako ng damit, isinuot ko yung sunglasses ko para di ako makita ni Drew. Bago ako umalis eh. dumaan ulit ako. Yes! Nasira nga. Wala na sila. Yeheeey!!! 

Ang laki ng ngiti ko non, parang akong baliw. Feeling ko nanalo ako sa isang lotto at nakuha ko yung jackpot prize.

Alam ni Clarisse yung mga kagagahang ginagawa ko sa tuwing may kadate si Drew. Palagi pa nga nya akong binabatukan sa ulo. Nababaliw na daw ako. Ang hindi ako alam, may mga tao pa palang alam ang mga pinaggagawa ko. Tsk

"Iha?" Nagising ako sa pagtawag ng matanda sa akin. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya bilang respeto eh, ngumiti na rin ako sa kanya.

"2 months ago.. May kasama na naman ang lalaking yan. Sinundan mo ulit siya. Nagsuot ka ng sumbrero diba, Iha? Kala ko pa nga eh lalaki ka pero napansin ko ang haba ng buhok mo." Tumango ulit ako sa kanya. Di ko na alam ang mga pinagsasabi niya. P-paano niya ito nalaman?!!

"Dito rin sila, pero nasa loob ka.. Umorder ng kape pero hindi mo ito ininom or should I say, ayaw mo ng kape?" Tumango ulit ako sa kanya. Ayoko ng kape, sobra. Ayan na naman ang mga ngiti niya. Natatakot na ako ah.

"Magkatabi lang kayo ng mesa. Magkaharap kayo ng lalaki. Palihim mo syang tinitignan diba? And for the nth time, palihim mo ring nilalagyan ng  ketchup yung bag ng babae. Alam mo Iha, yung mga pinaggagawa mo eh, natatawa ako.. Nawawala ang stress ko. Oh, I am so sorry." Nakatingin lang ako sa kanya, buti na lang hindi niya ako isinusumbong kay Drew. Gusto kong magpasalamat sa kanya.

"A-ahm, Thank you po kasi hindi nyo ako sinumbong sa kanila siguro kung ginawa nyo po yon eh magagalit si Drew, hindi nya na po ako papansinin at baka magkatuluyan po sila ng kadate niya. Ayoko po mangyari yun eh.." Ngumiti siya sa akin at biglang tinapik ang balikat ko.

"Marami pa akong alam, Iha. Hindi lang yon. Kaya sana wag kang sumuko na iparamdam sa kanya na kung gaano mo siya kagusto. Bagay kayo eh. Alam mo. malay isang araw, siya na naman ang makikita kong ganito, yung sinusundan ka." Bagay raw?! Oo!! Sobra!!!! Yeees!! Oh my!!

"M-mahal ko po siya..." Nakita kong tiningnan niya sina Drew na wala na sa kanilang upuan!!! Sheeeeeeeeeeet!!!!!! Asan na sila?! Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Lumabas na sila. Sundan mo na!" Tumayo ako at patakbo akong lumabas ng mall. Kailangan ko silang masundan. Drew!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon