Chapter 4 Turn off

153 2 0
                                    

*******

"Drew!!!!!" Sigaw ko habang papasok na yung kotse niya sa school. Sana narinig nya. Alas syete pa lang ay nandito na ako. Gusto ko na siyang talaga makita!!!

Sinundan ko siya sa parking lot. At nakita ko yung mukha nyang napakagwapo. Oh my!! Nang lumabas na siya ay kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at ibinigay yung assignments niya pero hindi niya tinanggap.

Nung una eh hindi nya pa ako pinansin. Kaya niyakap ko siya. Nababaliw na nga talaga ako. Ang bango niya. Sobra. Ang gwapo pa.

Nang biglang nagsidatingan yung mga kasama niya sa basketball at pinagtatawanan siya. Eh bakit pa? Kasi hindi ako kagandahan? Kasalanan ko ba yon? Kaya bumitaw ako sa kanya kahit labag man sa kalooban ko.

Ngumiti ulit ako sa kanya at umiwas siya ng tingin kaya sinigawan ko yung mga kasama niya sa basketball na girlfriend na niya ako. Kaya tumawa ulit sila, medyo napikon ako ah. At nakita ko ring umalis si Drew kaya sinundan ko.

"Oy Drew!! Sorry na!! Ikaw kasi eh." Pilit ko syang sinusundan pero ang bilis nyang tumakbo. Matangkad kasi eh. Ang haba ng legs.

"Oy Sorry na sabi please!! Drew!!" Sigaw ko pa rin sa kanya. Hindi kasi nakikinig.

"Oy!! Boyfriend ko!!" Ayon! Tumingin na rin sa kin. Kumaway ako. Buti na lang at konti pa la yong mga tao sa field. Ngumiti ako sa kanya but sad to say eh galit na galit yung aura niya. Natatakot tuloy akong ibigay yung assignments nya. Pero Aja!! Lalapitan ko sya.

 "Sorry na.. Eto oh assignments mo. Natapos ko. Ako na rin yung naglipat sa bond paper para hindi ka ulit pagalitan ni Maam.. E-eh ang hilig mo kasi na yung scratch mo yung pinapasa mo kay m-maam. Kaya eto.. oh." Nauutal ako. Kinakabahan kasi nakatingin lang siya sa akin. May dumi kaya yung pagmumukha ko? O di kaya nagagandahan siya sa kin..

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon