Chapter 26 It's Like a Girl Caught Stealing Cookie From The Cookie Jar

66 1 0
                                    

******

"Eh ano ba kasi Alexandra. Bakit parang ang saya mo ngayon eh kanina lungkot na lungkot ka kasi dahil sa Drew na yan tapos ngayon." Kinagat kagat niya ang kanyang labi habang inoobserbahan ang mukha ko.

"Oy Alexa!! Nako naman huwag mong sabihin na may nangyari sa inyo. Nako naman talaga Carioso. Malilintikan ka talaga sa akin. Lalo na pag nalaman ng kuya mo yan!" Tiningnan ko si Clarisse at binigyan ko ng mga ngiting nakakaakit kaya biglang lumaki ang mata niya.

"Wala naman." Bigla niya naman akong binatukan. "Aray naman Clarisse. Oo na! Eh kasi si Drew." Binatukan niya ulit ako. Aba naman!!

"Tsk. Oo na kasi. Ikikwento ko na sayo. Ano kasi.. Eh. Iniwan namin si Tiffany doon sa Canteen. Alam mo ba Cla na halata sa mukha niyang gulat na gulat siya sa ginawa ni Drew tapos yun nga! Iniwan namin siya doon tapos umalis na ako, kasi bigla kong naalala na may quiz pala. Buti nalang na perfect ko!! See? Hindi naman sagabal si Drew eh!" Nag wink ako sa kanya.

Sinabunutan na lang niya ang buhok niya. "Ikaw talagaaaaa Alexandra! O sige, saksi naman ako sa pagmamahal mo kay Drew eh!" Nag thumbs up ako sa kanya.

"O sha, anong balak mo ngayon?" Kumunot yung noo ko. "Anong balak? Wala ba tayong susunod na subject? Wala si Maam?" Tumango siya at napaisip ako sa kung ano ang gagawin ko ngayon. 

Alam ko na! Pupuntahan ko ulit si Drew tapos mag dedate ulit kami. Ang saya non!! Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko. "O, san ka na naman pupunta ha?" Tanong ni Clarisse sa akin.

"Alam mo na yon! Doon sa room ni Drew. Sisilipin ko lang tapos uuwi na kaagad ako." Biglang sumimangot ang mukha niya. Nako, alam kong gusto nitong sumama sa akin.

"Oo na kasi Clarisse! Payag na ako na samahan mo ako doon." Ngumiti ako sa kanya. "Alam ko namang gusto mong makita si Prince mo. Si Prince Marc. Ayii!" Nagtaasan ang dalawang kilay niya sa akin. Ang cute talaga ng babaeng to!

"Shut up, Carioso!" At napatawa ako nang napakalakas.

*******

"Ssssh! Alexandra naman eh. Daldal nang daldal. Tumahimik ka nga. Magigising si Marc." Tinakpan ko ang bibig ko pero gusto ko na talagang tumawa. Buti na lang malapit sa bintana sina Drew at Marc.

Ang Drew ko, nakakainlove, nagsusulat. Ewan ko ano ang sinusulat niya. Ang gwapo talaga.  Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya. Okay, 5 pictures. Okay na. Ang swerte!

Buti na lang nakasilent yung camera sound kundi, mahuhuli ako at mag tetrend na naman ang pangalan ko. Habang si Marc naman, ayon.. Sinilip ko si Cla parang nag-iisip. Ang lalim ha.

"Miss Carioso.." Napatingin ako sa lalaking nasa likod ko.. Oh no. Si Sir Math!!! Pati rin si Clarisse, kulang na lang lumabas ang kaluluwa niya. Nako naman! Bakit ba kasi kami nahuli!!

"What are you doing.." Nag hush ako. Aish. Napansin kong nakapako ang mga mata ni sir sa cellphone ko. Ang pictures!! Parang ako batang nahuli ni Mama na kumuha ng biscuit.. Agad kong binulsa ang cellphone ko. Bahala na kung magmukha akong tanga sa harapan ni sir. Tumayo ako pero sinigurado ko muna na hindi ako makikita ni Drew.. Masisira image ko sa kanya!!

"Sir, sorry po. Sige po aalis na kami ni Clarisse. Sige po ha." Nag bow kaming dalawa ni Clarisse kay Sir. "At tsaka sir. favor? Huwag nyo pa pong isumbong to ha. Napadaan lang po kasi kami." Nanginginig pa ang kamay ko. Syempre, sino di magugulat at matatakot!

Tumalikod na kaming dalawa. Pero sinilip ko lang ng 2 seconds si sir at nakita ko ang nakangiting mukha niya. Aaaaah!

Nasa labas na kami ng school ngayon. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Si Clarisse naman eh parang nakalimutan lang ang nangyari kanina.. parang wala lang sa kanya. Kumakain pa nga ng fishball. Ang saya!

"Oy Girl. Gusto mo?" sabay abot ng stick. Umiling ako. Uhh. "Bakit ka ba kasi nanginginig eh si sir lang yon! Ano ka ba!!"

Napalunok ako ng dalawang beses nang makita ko sa may gate si sir at si Drew na parang nag-uusap. Lagot!! Naisumbong na ata ako ni Sir!! Anong gagawin ko?!

"Oy! Ayon pala silang dalawa eh. Si Sir at ang pinakamamahal mo." Tiningnan ko si Clarisse at nakita ko ang mga pilyong ngiti niya na parang nang aasar!! Hindi na ito nakakatuwa ah!

Hinawakan ni Clarisse ang ibabang labi niya. "Di kaya may itinatago sila sir? Di kaya isa sa kanila ang.." Nagulat ako sa mga pinagsasabi ng babaeng to.

"Darna!!" Narinig ko ang pagtawa niya pero di na ako natutuwa. " Diba Alex? Malay mo. Naku naman ang malas mo. Buti nalang di ganyan si Marc." Tinusok niya ulit yung stick sa fishball.

Kailangan na sigurong malaman to ni Clarisse. "Tito niya yon." Mas lalong napalakas ang pagtawa niya. "Seryoso ako! Gulat na gulat nga ako eh nung nalaman ko yon." Napalunok na lang siya bigla.

"Bat di mo sinabi sa akin eh Tito pala niya yan! Nako naman Alex! Wala na akong pakialam dyan ha? Sinama mo lang ako don, sinilip ko lang si Marc, di si Drew ha? Tito pala, hala ka! Eh parang mag bestfriend nga kayo ni Sir eh tuwing nag kaklase tayo ng math. Ang swerte mo Girl! Ikaw na ang pinagpala ha?" Totoo nga. Ang swerte ko, pinakaswerte sa lahat.

"May nalalaman ka pa ba? Baka di natin alam na lola pala niya si Principal o kaya kamag anak niya yung teacher natin sa Science? O sa History? O di kaya sa English? Oy Carioso o baka nag-aaral tayo sa Jimenez High School ha?" Tiningnan ko na lang ang hawak niya na stick.

Si Sir kasi.. ayoko sa kanya. Yung the way na magturo siya sa amin eh gusto niya kasi yung method niya yung sinusunod namin eh may mas madali naman kaya palagi kong sinasalungat lahat ng sinasabi niya.. Ang saya ko talaga! Sayang saya!

Nakita ko na lang na papalapit si Drew sa amin.. No, sa akin pala.. Gusto kong tumakbo. Di ko alam kung ano ang isinumbong ni Sir sa kanya. Baka iniba ni sir yung kwento. Hay kung umuwi na lang sana kaagad ako kanina, di na sana to nangyari pero andito na eh, nangyari na at.. Sinilip ko si Clarisse at..

"Lagot ka Carioso!" 

"Oy teka lang Clarisse, saan ka pupunta? Uwi na tayo! Lika na!" Agad kong hinawakan ang balikat niya at nagsimula nang maglakad..

"Alexandra." Uhh. Boses pa lang. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kanya. "O sige Drew ha. Bye. Je T'aime. Mag iingat ka."

Ngumiti rin siya sa akin. "O sige, ingatan mo rin ang mga kinuha mong larawan ko kanina ha?" At nag wink siya sa akin. Gusto ko na talagang.. Uhh!!!!!

~~~~~~~

Merry Christmas! Sorry kung matagal akong nakapag UD. Lagnat kasi! Tsk. Pero babawi talaga ako. God bless you mwah!!

Im His nth GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon