Kabanata 5

6.4K 282 17
                                    


Kabanata 5

Negring

***

"But I'm still trying my best to avoid all of you. I still try my best to escape eventhough it's inescapable."

"You don't need to escape. You just need to accept," sagot ng binata dahilan upang mapaharap sa kanya si Dia.

"Accept the fact that you are special dahil sa kakaiba mong kakayahan na pwedeng magsagip ng buhay. Binigay sa 'yo ang kakayahang iyan hindi para lumayo sa lahat. Binigay sa 'yo 'yan dahil may ibang dahilan at isa na dito ay ang paggamit nito sa mabuti. Please, help Jana. Tulungan natin siya, Dia," ani ng binata.

Tinignan lang siya ng dalaga saka siya nito tinalikuran at umalis na.

***

Lumulutang ang utak ni Dia habang gumagawa siya ng tinapay. Napaparami na nga ang lagay niya ng yeast kaya agad siyang nilapitan ni Aling Aura at sinabihan.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Ba't parang wala ka sa 'yong sarili."

Ngumiti lang ng tipid si Dia at inayos na ang kanyang ginagawang tinapay.

"May nagpunta pala ritong binata kahapon. Nakalimutan ko ang pangalan basta tunog dentista 'yon e. Kakausapin ka raw sana niya tungkol sa kaklase niyong na-engkanto raw," kwento ng ginang.

Nakinig lang si Dia sa kanya at hindi man lang magawang lumingon.

"May alam ba siya sa kakayahan mo?" biglang tanong ng ginang kaya napaangat ng tingin si Dia at napalingon sa paligid.

Nang mapagtantong silang dalawa lang ang nasa loob dahil nagtanghalian ang iba nilang trabahador ay hinarap na niya ang ginang.

"Opo," sagot niya.

"Ibig sabihin, humihingi siya ng tulong?" tanong ulit ng ginang.

Napatango naman si Dia.

"At hindi ka pumayag?"

Hindi naman nakapagsalita si Dia.

"Apo, baka ito na ang panahon para gamitin mo ang kakayahan mo. Huwag ka nang magtago pa sa dilim. Kalimutan mo na lang ang mga nangyari noon. Bata ka pa noon kaya wala ka pang alam. Siguro kaya ibinigay sa 'yo 'yan ay para tumulong at ito na ang panahong 'yon."

"Isinumpa ako, Aling Aura. Alam mo iyan. At itong kakayahang isinumpa sa akin ang dahilan kung bakit ako nag-iisa ngayon," seryosong sagot ni Dia.

Lumapit naman si Aling Aura sa dalaga at hinawakan ito sa balikat.

"Hindi ang kakayahan mo ang dahilan kung bakit ka nag-iisa. Ang lahat ng nangyari noon ay aksidente lang kaya wala kang kasalanan. Ang dahilan kung bakit ka nag-iisa ay walang iba kung hindi dahil desisyon mo ito. Desisyon mong lumayo sa amin at magtago. Siguro ito na ang panahon para tigilan mo na ang pagtakas dahil alam naman nating hindi mo talaga 'to matatakasan. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay ang harapin 'to."

Hindi nakaimik si Dia sa lahat ng sinabi ni Aling Aura. May parte sa kanyang ayaw niyang makinig dito ngunit may parte ring tila ba tumatak sa kanya.

Tahimik na naglalakad si Dia pauwi. Nang malapit-lapit na siya sa kanilang gate, rinig na rinig niya ang ingay ng apat niyang tagapagbantay. Binuksan niya ang gate at pumasok. Napatingin tuloy sa kanya ang apat dahil sa gulat.

"Ipaalala niyo sa akin ang ritwal kung paano labanan ang isang itim na engkanto," ani Dia.

Nagkatinginan naman ang apat na gulat na gulat.

AdrasteiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon