Tanong ko lang, ano bang dapat na genre ng Adrasteia sa Wattpad? Horror ba o Fantasy? T.T Dati naka-Fantasy ito tapos ginawa kong Horror tapos ngayon nalilito na ako. Basta, FantasyXHorror ito. Pero kayo, ano sa tingin niyo? Pa-comment sa baba. Happy 13K reads nga pala! Thank you sa inyo <3 :)
-CG
***
Kabanata 21
Kaarawan at Larawan
***
"Uuwi na po ako, Lola Aura," paalam ni Dia sa matanda nang makitang madilim na sa labas.
"Mag-iingat ka at madilim na sa labas. Usap-usapan pa naman ay may halimaw raw na gumagala," pagpapaalala sa kanya ni Aling Aura. Tumango naman si Dia.
"Kayo rin po," sagot nito saka lumabas ng bakery na ngayon ay nakasara na.
Lumingon si Dia sa kanyang kaliwa't kanan at nakitang wala na talagang taong dumaraan. Alas nueve na rin kasi ng gabi at dahil nasa probinsya sila, maagang natutulog ang mga tao rito. Nagsimula nang naglakad si Dia at hindi na pinansin kung gaano kadilim ang kanyang nilalakaran sapagkat sanay na sanay naman na siya.
Nang malapit na siya sa kanilang tirahan, biglang nakarinig ng alulong si Dia dahilan upang mapakunot-noo siya ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Nang makarating siya sa kanilang bahay ay agad na siyang pumasok at sinalubong siya ng tatlong duwende.
"Narinig niyo ba 'yung alulong?" tanong nito sa tatlong duwende.
Nakatinginan ang mga ito at sabay-sabay na tumango.
"Mabuti pang pumasok ka na lang, Adrasteia," ani Kaps habang bumaba sa puno.
Napalingon si Dia rito at sinenyasan siya nitong pumasok na. Huminga ng malalim si Dia at dumiretso na sa pintuan papasok ng kanilang bahay ngunit imbis na magtungo siya sa hagdan upang umakyat, dire-diretso siyang nagtungo sa pinakadulo ng kanilang bahay at lumabas sa pinto na siyang daan patungo sa kagubatan. Nang makalabas ay ginala ni Dia ang kanyang mga mata, dama na niya ang pagliwanag ng kanyang marka ngunit hindi na niya ito pinansin pa.
Hahakbang na sana si Dia nang makarinig siya ng yabag at nang lingunin niya kung sino ito, napako siya sa kanyang kinatatayuan. Parehas silang nakatitig sa isa't isa. Parehong gulat at hindi alam ang gagawin.
"Ms. M-mayla," nasambit ni Dia.
Agad na tumalim ang mga mata ng guro sa kanya. Muling napalingon si Dia sa paligid, nagbabaka sakaling kasama nito ang pulis ngunit hindi. Mag-isa lamang na tinatahak ng guro ang kagubatan.
"A-anong ginagawa mo rito?" dagdag ni Dia.
Napakurap-kurap ang guro at agad na nag-iwas ng tingin. Hindi pinansin si Dia at dumiretso na lamang ng lakad.
"Teka!" pagpipigil ni Dia rito.
"Delikado sa kagubatan, Ms. Mayla," ani Dia at diniinan pa ang pagtawag nito sa pangalan ng guro.
"Kung iyon nga ba ang tunay mong pangalan," pahabol niya.
Natigilan ang guro at nilingon si Dia.
"Sino ka ba talaga? Ano ka ba talaga?" sunod-sunod na tanong ni Dia.
Pinanlisikan sa ng mata nito.
"Huwag ka nang mangialam pa," sambit sa kanya nito. Napahalukipkip si Dia at pinagmasdan lang ang guro na tila nagpipigil ng galit dahil sa pagkakayukom ng kamao nito.
BINABASA MO ANG
Adrasteia
ParanormalBook 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa lahat, pwes nagkakamali kayo. Isa siyang babaeng may ibang kakayahan na wala ang isang normal na tao...