Kabanata 16

5.9K 217 6
                                    


Kabanata 16

Sapi

***

Hindi mawala sa isipan ni Dia ang nangyari sa banyo. Tulala siya habang gumagawa ng tinapay. Pakiramdam niya kasi, may gustong ipaalam si Lena sa kanya pero hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya, kung aalamin niya ba ito at tutulong o mananahimik na lang siya. Laking pasalamat na nga lang niya at hindi ito alam ni Dentrix sapagkat kung nalaman din 'to ng binata siguro ay narito na 'yon sa kanyang tabi at kinukulit siya. Kung ganoon ang mangyayari, aba'y mas lalo lang siyang 'di makapag-iisip.

Ramdam ni Dia ang pagliwanag ng kanyang marka na siyang ikinatataka niya kaya mas lalo siyang naguguluhan. Napansin ni Aling Aura ang pagkalutang ng dalaga kaya nilapitan niya ito. Hinawakan ng ginang sa balikat ang dalaga. Agad na lumingon si Dia rito.

"Ayos ka lang ba? Mukhang pagod ka sa pag-aaral ha. Malapit na ang graduation niyo, hindi ba?" ani Aling Aura.

Ngumuso si Dia at tumango.

"Nakausap mo na ba ang pinsan mo?" tanong nito.

Napataas naman ang kilay ni Dia dahil doon sapagkat wala siyang alam sa sinasabi nito.

"Hindi mo ba siya nakausap? Sabi ng kuya mo, ayusin mo na raw ang mga papeles mo at ipadala na sa kanya para maasikaso na niya sa unibersidad na papasukan mo at para ma-i-schedule na ang entrance exam mo," ani Aling Aura.

Bumagsak naman ang balikat ni Dia dahil doon at napabuga ng hangin. May kamag-anak pa si Dia, ang kanyang pinsan na anak ng pinsan at matalik na kaibigan ng kanyang ina. Ito na lamang ang kaisa-isang kapamilya na kilala niya at sumusuporta sa kanya. Dahil propesor sa isang unibersidad ang pinsan ni Dia, tutulungan siya nitong makapasok sa unibersidad na pinagtatrabahuhan nito.

"Kailangan ko po ba talagang doon sa Maynila mag-aral? Ayaw ko pong iwan kayo at ang bakery pati na ang bahay," sagot ni Dia.

Ngumiti naman ang ginang at hinimas ang ulo ng dalaga. Alam ng ginang na nag-aalala ito at nalulungkot ito na iiwan nito ang kanilang tirahan at ang bakery na napakahalaga sa dalaga sapagkat ito na lang ang alaala ng pamilya nito.

"Para sa kinabukasan mo naman iyon. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko ang bakery maging ang bahay niyo," nakangiting wika nito.

"At syempre, dadalhan ko rin ng pagkain ang mga kaibigan mong engkanto na nakatira sa bahay niyo," bulong ng ginang at lumingon pa sa kaliwa't kanan.

Napangiti naman si Dia dahil doon. Oo, alam ni Aling Aura ang tungkol sa kapre at mga duwende, para saan pa't ito ang naging matalik na kaibigan ng lola ni Dia.

"Salamat po, Lola Aura," nakangiting sambit ni Dia.

***

Isang linggo ang nakalipas at bumalik na sa normal ang kanilang eskwelahan. Katatapos lang ng kanilang exam kaya ngayon puro mga requirements na lang ang inaasikaso nina Dia pati na rin ang mga ibibigay niya sa kanyang pinsan na mga papeles niya.

"Dia, Dia, Dia!" nagmamadaling tawag ni Rhian sa kanya.

Nilingon niya ito at napakunot ang noo siya dahil sa pagmamadali nito.

"Si sir! Nakita ko na si Sir! Habulin na natin para mapapirma 'yung clearance!" nagmamadaling sigaw nito saka siya hinala kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang tumakbo na rin.

Ang mga guro kasi sa kanila ngayon ay hindi nila makita dahil abala ang mga ito sa kanilang mga grades kaya naman parang artista kung habulin nila ang mga ito upang makapagpapirma.

AdrasteiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon