Hi, pasensya na kung ngayon lang. Nagbakasyon kasi kami nung holy week e. Nagulat ako nang makitang may 19.6k reads na 'to, omg! Maraming salamat po! Pasensya na kung may mga errors ako lagi, hindi ko na kasi na-e-edit pa. Sorry!
-CG
***
Kabanata 24
Galit
***
Dinala si Noli sa maliit na ospital ng kanilang bayan. Dinalaw ito ng mga kasamahan nito sa trabaho ngunit gulat na gulat ang mga ito nang hindi sila makilala ng binatang pulis. Ang lahat ay nagtipon-tipon matapos madalaw si Noli at pinag-usapan ang aksyon na kanilang gagawin. Ang binatang pulis ay nakatulala lamang, tila walang alam sa nangyayari. Naguguluhan pa rin hanggang ngayon at dama niya pa rin ang takot mula sa mga engkantong kanyang nasilayan.
"Hindi mo ba talaga kami nakikilala?" tanong ni Delfin habang nasa gilid niya ang kanyang pamangkin na si Dentrix. Agad na umiling ito at yumuko na lamang.
"Si Mayla? Nasaan si Mayla?" sunod na tanong nito. Agad na napaangat ng tingin si Noli at napakunot ang noo.
"M-mayla?" nagtataka niyang tanong.
"Si Ms. Mayla, Kuya Noli. Teacher namin siya at kasintahan mo siya," ani Dentrix.
Napalingon si Noli sa binatilyo at agad na napahawak sa ulo at kasunod no'n ang bigla nitong pagsisigaw.
"Wala! Wala akong kasintahan. Wala akong kilalang Mayla! Wala akong kilala ni isa sa inyo," sigaw nito habang nakahawak sa ulo nito.
Agad na pumasok ang mga pulis upang tignan ang kalagayan ni Noli dahil sa pagsigaw nito. Ang isa ay may dalawang cellphone at agad na hinarap si Noli.
"Na-contact na namin ang pamilya mo, Noli," anito. Napalingon sa kanya ang lahat ng taong naroon.
"Napag-alaman kong matagal na pala siyang pinaghahanap ng pamilya niya dahil hindi na siya muling na-contact pa ng mga ito nang madestino 'to sa isang probinsya at tiyak kong dito 'yon sa atin," dagdag nito.
"Si Mayla? Nahanap niyo na ba siya?" tanong ni Delfin.
"Nagtungo na ngayon ang iba nating mga kasama sa paaralan upang hanapin ito," sagot nito.
Napahinga ng malalim ang lahat ng taong naroon at napatitig na lamang kay Noli na ngayon ay litong-lito pa rin sa lahat ng nangyari habang si Dentrix naman ay nakatuon ang isip sa kanyang gurong si Ms. Mayla.
"Tama kami ni Dia, hindi siya normal. Ano naman kaya ang ginawa niya kay Kuya Noli?" tanong ni Dentrix sa kanyang isipan.
"Ano ba ang huli mong naalala, Noli?" tanong ni Delfin.
Biglang napaangat ng ulo si Noli at napatingin kay Delfin, pilit na inaalala ang kung anumang huli niyang natatandaan.
"Ma, madedestino lang ako sa isang probinsya, babalik din ako. Magpapalamig muna ako ng ulo rito," sagot ni Noli sa kanyang ina na kausap niya mula sa kanyang cellphone.
Kasalukuyan siyang nagda-drive patungo sa isang probinsya kung saan siya madedestino. Pinili niyang sa malayong lugar madestino upang mapalayo sa mga taong ayaw niya muna makita sa ngayon at isa na roon ang kanyang ama.
"Patawarin mo na siya, anak," naiiyak na wika ng kanyang ina.
Napahinga ng malalim si Noli at agad na hininto ang sasakyan niya sa gilid.
BINABASA MO ANG
Adrasteia
ParanormalBook 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa lahat, pwes nagkakamali kayo. Isa siyang babaeng may ibang kakayahan na wala ang isang normal na tao...