Kabanata 12

6.3K 269 22
                                    


Kumusta na, mga kaibigan? Patawad sa napakatagal na update. Ako'y naging abala lamang sa pag-aaral at sa ibang bagay. Dahil nalalapit na ang aming semestral break, asahan ninyo ang sunod-sunod na update sa mga susunod na linggo at baka sa Nobyembre'y matapos ko na ang nobelang ito. Maraming salamat sa inyong suporta. Ito nga pala ay sinali ko sa Wattys 2016. Ipagdasal nating sana'y palarin ang kwento ni Adrasteia. 

***

Kabanata 12

Malaking ibon

***

Hindi makapaniwala si Dia sa tinatanaw niyang bangkay na nasa bungad ng kakahuyan at ngayo'y inaayos ng mga pulis at iniimbestigahan.

"Hindi kaya bumalik na ang mga aswang na noo'y nanggugulo sa ating baryo noong kapanahunan pa ng ating mga magulang?" naulinigan ito ni Dia mula sa grupo ng mga taong nakikiusi.

"Hindi ba't napuksa na iyon matagal na?"

"Sa tingin mo, sino naman kaya ang taong kayang gumawa niyan, aber?"

Napahinga nang malalim si Dia. Hindi niya maiwasang mapaisip at inalala ang kakaibang naramdaman noong nakaraang araw. Hindi niya batid kung nararapat na ba siyang mangamba dahil pakiramdam niya, alam na niya ang mga nagaganap at sadyang ayaw lang niyang makialam o kumilos 'pagkat matagal na niyang kinalimutan ang kabilang mundong tila isang bangungot para sa kanya.

Tumalikod na siya at hahakbang na sana nang may tumawag sa kanya. Nilingon niya ito at agad siyang napakunot-noo. Ito ang pulis na isa sa mga nag-iimbestiga at nagtatanong sa mga taong nakakita sa bangkay kanina.

"Maaari ba kitang matanong nang ilang mga katanungan, binibini?" tanong nito sa kanya.

Napataas ang kanyang kilay. Sa isip-isip niya, sino ba ang pulis na ito at tila bago lamang sa kanyang paningin. Lahat kasi ng tao rito sa kanilang bayan ay kilala niya sa mukha 'pagkat maliit lang naman ang bayan nila kaya lahat ay magkakakilala na.

"Ang sabi ng mga taong narito, ang bahay niyo ang pinakamaliit sa pinangyarihan."

Tumango naman si Dia.

"Opo. Ayon po ang aming bahay," sagot niya at saka ito tinuro.

Tumango naman ang pulis at binalik ang atensyon sa dalaga.

"Wala ka bang napansing kakaiba o kahina-hinala kagabi?"

Napaisip naman si Dia. Madalim na nang umuwi siya kagabi nang manggaling siya sa kanilang bakery at ang kaisa-isang nilalang na kanyang nakita ay walang iba kung hindi ang bagong gurong pinagkakaguluhan ng mga binatilyo sa kanilang paaralan na si Ms. Mayla. Pinigilan niyang huwag manlaki ang kanyang mga mata at pinigilan ang bibig na maisaboses ang kanyang naalala. Diretso niyang tinignan ang pulis sa mata at saka nagsalita.

"Wala po at miski ingay o sigaw nga'y wala akong narinig," sagot niya.

Tumango naman ang pulis.

"Maraming salamat at mag-iingat ka ha. Wala pa naman kayong kapitbahay at ang bahay niyo'y nasa pinakadulo pa."

Tumango naman siya at nagpasalamat dito. Muli, tumalikod siya at ilang hakbang pa lamang ay napatigil na siya at nilingon ang bangkay.

"Tama ako... may kakaiba talaga sa gurong iyon at ako mismo ang didiskubre no'n," bulong niya at humakbang na.

Lutang na lutang si Dia at hindi alam kung ano ba ang una niyang hakbang na gagawin sa pagdiskubre ng lihim ng kanilang bagong guro.

Umaga no'n at naglalakad siya sa koridor patungo sa kanilang silid. Batid niyang huli na siya sa kanilang klase ngunit tila wala siyang pakialam. Namataan niya ang isang guro na maraming bitbit sa harap niya at nakasisiguro siyang ito'y si Ms. Mayla kung kaya't binagalan niya ang kanyang lakad 'pagkat wala siyang balak tulungan ito at sabayan ito sa paglalakad dahil kikilabutan lamang siya.

AdrasteiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon