Kabanata 23

5.2K 241 6
                                    

Hi! Pasensya na kung ngayon lang nakapag-update. Kailan lang din kasi kami nagbakasyon e. Sana'y inyo pa ring suportahan ang Adrasteia sa kabila ng nalalapit nitong katapusan. Maraming salamat din pala sa walang sawang naghihintay sa update nito. Maraming salamat sa 18.5K na reads! 

***

Kabanata 23

Pagdadalamhati ng Reyna

***

Nagliligpit ng kanilang pinagkainan si Ms. Mayla nang may maramdaman siyang kung ano sa kanyang dibdib at kasunod no'n ay ang biglang pag-itim ng kanyang mga mata. Napapikit siya dahil doon at saka siya nakarinig ng alulong ng isang 'di pangkaraniwang aso; babaeng nagsisigaw at ang mga punong tila umiiyak dahil sa sakit. Napadilat na lamang ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat at kasunod no'n ay ang pagbalik sa normal ng kanyang mga mata.

"May problema ba, mahal ko?" tanong ni Noli sa kanyang kasintahan.

Huminga ng malalim si Ms. Mayla at hinarap ang kanyang pinakamamahal saka ngumiti rito at umiling.

"Siguro ay pagod lamang ako," sagot niya.

"Kung gayon, magpahinga na tayo," ani Noli at hinawakan ang kamay ni Ms. Mayla at sabay silang nagtungo sa kanilang kwarto.

Pinakiramdaman ni Ms. Mayla ang buong paligid. Isang oras na yata siyang nakahiga ngunit hindi siya makatulog dahil sa bumabagabag na mga ingay sa kanyang isipan. Nilingon niya ang kanyang katabi at nakitang mahimbing na ang tulog nito kaya naman dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa pinto saka maingat itong binuksan upang makalabas.

Nang makalabas si Ms. Mayla ay agad na bumangon si Noli at napatitig sa pinto na may nagtatakang mga mata.

"Saan ka na naman patutungo, mahal ko?" tanong niya sa kanyang sarili. Lingid sa kaalaman ni Ms. Mayla, alam ng kanyang kasintahan ang kanyang pag-alis tuwing gabi na siyang ipinagtataka nito kaya naman ngayon ay bumangon na siya at napagdesisyunan na sundan ang kanyang kasintahan upang matuldukan na ang kanyang mga katanungan.

***

Madilim na ang buong paligid ngunit nanatili pa rin si Dia sa gubat at doon umiyak nang umiyak. Hindi niya matanggap na ang taong lagi niyang kasama ay kadugo ng nilalang na nagsumpa sa kanya – ang puno't dulo ng kanyang paghihirap. Kung hindi dahil sa kanyang kakayahan, baka narito pa ang kanyang mga magulang. Baka hindi na napagod at nagkasakit ang kanyang lola sa pag-aalaga sa kanya dahil nariyan naman ang kanyang ina upang alagaan siya. Kung sana ay gano'n lang ang lahat, masaya sana siyang namumuhay ngayon.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito, Divina! Kung sana ay hindi mo isinalin sa akin ang iyong kakayahan! Napakasama mong tao!" sigaw niya.

Napaurong ang lahat ng engkantong nasa gubat nang maramdaman ang galit ni Dia. Walang sinuman ang nagtangkang lumapit o guluhin siya. Ang lahat ng ito ay nagtago; takot na baka sila ang pagbuntuan ng galit ng dalaga. Dala-dala kasi nito ang pana nito na ginamit nito noon sa ekek at doon nilabas ang kanyang galit. Pinana niya ang mga puno at ang lahat ng ito ay nakadama ng kanyang galit; hindi pinansin ng dalaga ang pag-inda sa sakit ng mga kawawang puno.

Hanggang sa matigilan siya dahil sa kaluskos na kanyang narinig. Naging alerto siya at inangat ang kanyang pana. May kutob siya na baka ito ang mga aswang na nanggugulo sa kanilang bayan kaya naman nais niyang dito na lamang ibuhos ang kanyang galit. Naramdaman niya ang papalapit na nilalang kaya naman agad niya itong inasinta, isang sigaw ang kanyang narinig. Hindi siya gumalaw at hinintay na muling maglakad ito dahil sigurado siyang nadaplisan niya lang ito sapagkat narinig niya ang pagbaon ng pana sa isang puno.

AdrasteiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon