Published: June 15, 2013
CHAPTER 1.3.3
TIMMY GIANNE's POV
Hinila ako ni Lara patungong comfort room at parang nahuhulaan ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Panigurado may ipapagawa na naman siya sa akin na alam naman niyang hinding-hindi kong gagawin!
"Ano ka ba?! Bakit 'di mo kinakausap si Xial?!" Nakapamaywang na sita pa sa akin ng bruha.
"So what?!" Umismid ako at sumimangot.
"Duh!" Pinandilatan pa niya ako. "Sobrang problematic ni Xial! Chance mo na 'to girl!"
"Chance na ano?" Confused lang wari ang peg ko.
"Get him into bed! At malay mo, matypan ka rin at 'di ka na iwan!" Inikot ko ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba, iyon ang sasabihin niya.
"May I remind you, hindi ako prostitute!" Sinimangutan ko siya dahil sa lahat naman ng kaibigan, siya lang yata ang idadamay ka pa sa putikan sa halip na alisin ka!
"'Wag ka na magmalinis okay!" Nakairap pang sabi niya. "Mayaman si Xial. Nag-iisang anak! Naghahanap ng babaeng pakakasalan! 'Yung tipong plain business lang ang purpose!"
"Kahit ano pa 'yan, wala akong paki okay? Tulad nang sabi ko, hindi ako prostitute okay?"
"Kung maka-prostitute ka wagas a!" Nakasimangot ding sabi niya.
"Okay na 'yung buddy! Buddy kami sa inuman. Kahit walang usapan okay lang at pampalipas oras din 'yun!" Mas maayos na sa aking tahimik siya dahil wala rin akong interest na makipag-bonding.
"Baliw ka!" Inis pang sabi niya. Kung makabaliw rin naman wagas! Parehas lang kami! "Wala nang babaeng virgin ngayon! At kung magpagamit ka man kay Xial, for sure, tiba-tiba ka naman! At baka hindi mo na rin kailanganin na magtrabaho pa dito."
"Final na ang sinabi ko sa'yo dati. Wala na tayong pag-uusapan pa." Umiwas na muna ako at nakakairita na rin kasi ang kakulitan nitong si Lara minsan. Hindi ko alam kung kaibigan ko talaga 'to o bugaw ko e! Kainis!
Nang bumalik kami ni Lara sa table ay nand'un pa rin ang magkaibigan na abala sa pag-inom. Tutok si Xial sa kanyang phone at halos 'di nga mapansin ang presensya ko.
"Wait, bro. Balikan kita huh?" Sabi pa n'ung kaibigan niya na agad ding nakalayo kasama si Lara na panay pa rin ang senyas sa akin. Umiling lang ako at wala akong balak makinig.
Umiling lang din naman si Xial na parang wala na rin namang pakialam at muling itinuon ang atensyon sa kanyang cellphone.
Pasimple ko naman siyang pinagmasdan at mukhang wala nga sa tipo niya ang laman ng club na ito. Sa totoo lang ay siya ang pinakatahimik na customer ko at higit sa lahat, pinakagwapo na rin. Perpektong hugis ng panga, magandang mga mata, matangos na ilong at mamula-mulang labi. Hindi man siya clean shaven ay sobrang bango pa rin niyang tingnan. Dagdag pa ang katawang mukhang alaga sa gym. Wala ako sa sariling napangiti dahil naiisip ko kung may pandesal din siya sa tiyan.
"What are you smiling at?" Puna pa niya at hindi ako makapaniwalang napatanga talaga ako sa pagtitig sa kanya.
"Ha e..." Nangapa ako nang irarason. Kasi naman Timmy, ang likot ng imagination mo e! "W-wala naman, may naalala lang ako. Sige, ituloy mo lang 'yan." Alanganin pang sagot ko at kunwari ay itinuon ko na lang din muna ang pansin sa pag-inom.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...