CHAPTER 19.2.4
TIMMY GIANNE's POV
Naaawa man ako kay Xial ay wala akong magawa. Pinagbantaan kasi ako ni dad na i-pull out daw n'ya ang shares niya sa company nila Xial kung hindi daw ako titigil. He's dead serious about it. Ayoko namang mawala ang lahat kay Xial. Hindi na nga siya mapapamanahan ng lolo niya pati ang negosyo ng family niya ay maaapektuhan pa.
Hindi ko alam kung tama pa nga bang natagpuan ko ang tunay kong mga magulang. Alam ko naman na dapat wala akong regrets pero ngayon, hindi ko na alam. Kahit naman kasi mahirap ang buhay namin noon, masaya ako. At kahit pa pati sa kasunduan namin ni Xial noon, masaya ako. At mas lalo pa akong sumaya noong mahalin talaga niya ako. Pero ngayon ang lungkot. Feeling ko kasi mapipilitan na lang akong sundin ang parents ko 'wag lang mapahamak ang lalaking pinakamamahal ko.
"Are you okay?" Tila noon na lang nagbalik ang diwa ko. Nawala sa loob ko na kasama ko nga pala si Anton!
"S-sorry..." Napangiwi ako. Nahihiya na rin ako kasi sa ilang araw na paglabas-labas namin ay palagi na lang akong wala sa sarili. Lumalabas ako kasama siya dahil isa 'yun sa kundisyon ni Daddy para raw hindi na niya i-pull out ang 45% shares niya sa company ng mga Lim.
"So..." Tinitigan niya akong maigi sa mukha at parang nahuhulaan ko na ang gusto niyang itanong. "Si Xial ba ang reason kung bakit ka spaced-out lately?"
Just as I expected. Humugot ako nang malalim na buntong-hininga bago mapaklang ngumiti.
"Okay lang ba talagang sagutin ko 'yan?" nag-aalangan pang sabi ko dahil hindi ko rin naman alam if seryoso ba talaga siyang i-pursue ako o tamang pinagbibigyan lang din niya si daddy at ang kanyang mga magulang.
"Sinagot mo na," sigurado pa niyang sagot sabay mapaklang ngumiti at umiling-iling. "Are you sure na dapat pa ba natin ituloy 'tong pagde-date natin?"
"Huh?" Napatanga ako at iyon ang hindi ko inaasahang itatanong niya. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanong na 'yun?
"If I am not mistaken, totoo pala ang rumors about you and Xial being married?"
Natahimik ako at hindi ko pa rin malaman ang dapat na isagot.
"But it so happened na hindi naman din pala legal ang marriage ninyo?" dugtong pa niya na lalong nakapagpagulat sa akin. Reporter ba 'tong lalaking na 'to?!
"'Wag na lang natin pag-usapan, Anton." Iwas ko na lang. Hindi ko rin naman malaman ang dapat na isagot sa kanya.
"Timmy, baby!"
Sabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Agad na bumungad sa akin ang maluwag na ngiti ni daddy.
"Dad..." matabang na bati ko.
Noon na rin kumilos si Anton at pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse niya.
"So, how was your date?" Si Anton ang binalingan niya.
"We had a great time," sagot naman ni Anton at makahulugan pang ngumiti sa akin. Kung masasabi ko lang din sana ang totoo. Hindi naman sana boring kasama si Anton kung hindi lang lumilipad ang utak ko
"That's good..." Tumangu-tango pa si Dad. Obviously, satisfied siya sa sagot ni Anton. "By the way, is it true na may birthday party ang Mommy mo this coming Sunday?"
"Yup, Tito. We'll be expecting you there," sabi pa ni Anton.
"Sure! We'll be coming!" Bakas ang excitement sa boses ni dad. Hindi maikakailang gusto niya si Anton.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...