Chapter 20.2.3 (Finale)

92.5K 1.6K 24
                                    

OLD A/N:

post ko na rin kasunod nito, nage error kc, dunno why. maigsi lng to so wait nyo lng. salamat po ulit sa matiyagang pagbabasa.- prob ko na pala kay watty noon pa hahaha

********

CHAPTER 20.2.3 (Finale)

TIMMY GIANNE's POV

Mahigpit akong nakayakap sa leeg ng aking asawa habang buhat buhat niya ako papunta sa aming suite. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. Pakiramdam ko ay hindi talaga ako makakatayo nang nag-iisa.

"We were'nt this tired on our first marriage," nanghihina pang sabi ng aking asawa matapos na mailapag ako sa kama.

"Oo nga," sang-ayon ko naman dahil iba talaga ang pagod ko ngayon. Higit na mas marami kaming bisita ngayon kumpara noong una.

"I've been controlling myself a lot," ngingiti-ngiti pa niyang sabi habang matamang nakatitig sa akin. Nakahiga ako sa bed dahil para bang tamad na tamad ang katawan kong kumilos. "It was so damn hard not to touch you, my wife..." 

Pinaikot ko ang mga mata ko habang sinusundan siya nang tingin noong lumuhod siya sa edge ng bed. Hinuhubad niya ang sapatos ko.

"Controlling ka pa talaga, huh? Nakarami ka na nga..." Umirap ako at iyon naman talaga ang totoo. Kahit pa may audience ay walang pakundangan siya sa paghalik kahit pa torrid. Ilang beses ko bang nahuli ang parents ko na nakatulala lang sa ginagawa niya? 

"Don't put all the blame on me, Hon." Namaywang pa siya sa harap ko matapos na mahubad parehas ang sapatos ko. Siya naman ang naghubad ng sapatos bago marahang gumapang sa kama at dinaganan ako. "Ikaw nga itong panay ang seduce sa akin," nakanguso pang sabi niya na akala mo talaga ay siya ang na-harassed. Loko talaga. 

"Ako talaga?" Umirap ako at tinapik siya sa pisngi.

"Hindi ka naman tumatanggi. Gustung-gusto mo nga." Nakakaloko pa siyang ngumisi sabay yuko para halikan ako nang manipis sa labi.

Napahahikhik ako at muli siyang tinapik sa pisngi.

"Feeling nito..." natatawa ko pang sabi. "Oo nga pala, nasaan 'yung envelope mo?"

"Oh..." 

Mabilis siyang umalis sa pagkakadagan sa akin sabay dukot sa bulsa ng kanyang suit.

"Lolo Dionisio was really full of surprises," iiling-iling pa niyang sabi habang dahan-dahang binubuksan ang envelope. "Hindi mo ba talaga siya maalala?" curious pang tanong niya.

Malalim akong napaisip bago malungkot na umiling. "Wala talaga, e..." Mapait akong ngumiti dahil wala talaga akong maalala mula sa aking nakaraan. Ang kawalan ko raw nang alala ay dala nang matinding trauma dahil sa nangyaring pagkidnap sa akin noon. "How I wish kung magbalik man ang memory ko sa aking nakaraan, sana 'yung puro magaganda na lang..."

Naaawa pang tumitig sa akin ang asawa ko at banayad na hinaplos ang aking pisngi.

"Hmm, don't worry, Honey. I'll always be here for you. Kahit pa gaano kalungkot ang nakaraan mo, I will be here to share your pain and cheer you up," seryoso pa niyang sabi sabay masuyong hinalikan ako sa labi. Alam ko at naniniwala akong gagawin niya iyon kapag nagbalik na lahat ng memorya ko.

"Sige na, open mo na," nakangiting sabi ko pa at mas lumapit sa kanyang katawan.

Noon na niya inilabas ang mga dokumento at mabilis iyong binasa. "I can't believe this..." 

Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatitig sa mga papel. 

"Bakit Hon?" Kumunot ako at hindi ko maiwasan ang ma-curious. Hinapyawan ko nang tingin ang mga dokumento pero sa haba noon ay hindi ko alam kung ano ang dapat na basahin.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon