CHAPTER 15.1.4
XIAL ANDREW's POV
It's been a while since the last time I saw Timmy. Damn it! I missed her so much. But I must admit, medyo pinanghinaan ako ng loob nang sabihin niya sa akin na she's going to marry someone else. Like seriously? Gan'un kadali para sa kanya na kalimutan ako? Fvck. I really screwed it up.
Pumapasok ako sa opisina pero wala ang utak ko sa trabaho. Most of the time I'll end up blaming myself.
Matapos ang walang kwentang araw sa trabaho ay pasimple akong tumatambay hindi kalayuan sa bahay nila tuwing Sabado at Linggo. Tulad nga nang sabi ng Nanay niya, palagi siyang nand'un. Gusto ko sana siyang lapitan pero tuwing makikita ko siyang masaya, I felt hesitation. I felt I would just ruin her day.
And, like the usual days, uuwi lang ako sa bahay at doon magmumukmok. It was really frustrating kapag naiisip kong mawawala na siya sa akin. Nakakadagdag pa sa akin ang pressure na kailangan ko na raw ma-meet ang anak ni Don Julio. Ibang klase si Lolo! Pati ba naman pag-aasawa ko siya pa rin ang magde-decide?! Pero para na rin matigil ang pangungulila ko kay Timmy, I finally agreed to meet-up with the mysterious girl. Maybe ito ang paraan para maialis ko muna ang utak ko kay Timmy. I have to start seeing someone else. Susuko na ba talaga ako? Jeez... masisisi ba niya ako? I tried so hard to reached out but she kept pushing me away.
"Xial..."
Agad na naputol ang malalim kong pag-iisip at binalingan si mama na mapait na ngumiti lang sa akin.
"Tomorrow, Don Julio is throwing a party for his long lost daughter. Are you coming?" she asked hesitantly. That's what I like about my mother, kahit itinutulak nila ako, ako pa rin ang pinagde-desisyon nila sa bandang huli.
"Yes..." I nodded. Siguro nga kailangan ko muna makakilala nang iba or do I have to? Si Timmy lang naman ang gusto ko. Mariin akong napapikit sabay hilot sa aking sentido. It's always easier said than done.
"Hmm... that's kinda surprising. Noong isang araw lang umayaw ka. Why a sudden change of mind?"
"Nothing," matabang lang na sagot ko. "Pagbibigyan ko lang kayo ni Papa," dahilan ko pa.
"Really?" Tatawa-tawa pang sabi ni Mama. She wasn't convinced. She knew me too well. "Oh well, I'm glad to hear that. Malay mo naman magustuhan mo rin ang anak ni Don Julio. I think na-meet mo na rin siya even before she was kidnapped."
"I have no idea. It was a long time ago." Nagkibit-balikat lang ako. Nothing can lighten my mood.
"Oh well, it's good that you're coming with us. I liked that," she said with a semi-serious expression. Alam kong gusto niyang lumabas na ulit ako sa halip na magmukmok sa kwarto.
Sana lang talaga hindi ako mainip sa party na 'yun.
***
Alanganin man ay tumuloy pa rin akong sumama sa parents ko sa pa-party ni Don Julio sa kanyang long lost daughter.
"Do I really have to be on suit? Don't you think this is too formal?" irritable pang tanong ko. It was fvcking hot wearing these three piece suit in an open ground.
"You have no choice, son. For sure, all the elites will be there. You have to look good," nakangising sabi pa ni papa habang makahulugang tumingin pa kay mama. "And besides, dapat lang na ikaw ang mapansin ng daughter ni Don Julio. Mahirap nang may makasulot pang iba d'un sa anak niya."
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU #Wattys2016
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip ng kaibigan at doon nga niya nakilala si Timmy. Si Timmy na sa un...