Chapter 12.2.4

84.8K 1.6K 37
                                    

Published: August 23, 2013

CHAPTER 12.2.4

TIMMY GIANNE's POV

Pumunta muna kami sa aming villa at nagpalit nang pampaligo.

"Honey, ten years ka na d'yan, a." Mahinang tawag pa ni Xial sa may pinto ng banyo.

"Pwede bang t-shirt at shorts na lang? Hindi ako sanay magsuot ng string bikini. Parang hubad lang," sabi ko pa habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin. Kahit pa nakapagsuot ako ng daring clothes sa club noon, iba pa rin ang string bikini lang!

"Come on, let me see that. Okay na 'yan."

"Pero ang daming lalaki," maktol ko pa.

"Akong bahala sa'yo. Lumabas ka na d'yan. Baka tayo na lang ang wala d'un. Lumabas ka na," tila naiinip na ring sabi niya.

"Wag mo akong pagtatawanan, ha..." nahihiya pang sabi ko.

"I won't, honey. Get out now."

Humugot ako nang isang malalim na hininga bago pihitin ang seradura ng pinto pabukas. Mariin kong kinagat ang labi ko nang mabungaran ang mukha ng aking asawa na may bahid nang ngiti sa kanyang labi. Alam kong may kurba naman ang aking katawan kahit pa nga hindi ako malaman.

"W-what?" nahihiyang tanong ko pa kahit na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha.

"You look so hot, hon." nakangisi pa niyang sabi at mabilis na lumapit sa akin. Hinapit niya ako sa baywang at nakakalokong bumulong sa aking tainga. "Maybe we could make love before we swim, huh?"

"Puro ka talaga kalokohan!" Nakangiting tinapik ko siya sa balikat.

"Hmm..." Yumuko siya at mariin akong hinalikan sa labi. "We should go before I decided to keep you here instead." gigil pa niyang sabi bago mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Sure ka? Okay lang ang suot ko? Hindi ba masyadong revealing 'to?" alanganin pa rin ako. Pakiramdam ko ay hubad ako.

"Well, yeah, it was indeed revealing," bahagya pa siyang tumango. "Pero kasama mo naman ako. Mamatay na lang sila sa inggit." Nakangisi pa siyang kumindat sa akin. "Let's go." Banayad pa niya akong hinila.

"Wait, diba may pamatong 'to? 'yung manipis? Nakita mo ba?" pigil ko pa.

"Oh, yeah, parang nakita ko nga 'yun." Mabilis pa siyang bumitiw at lumapit sa aming maleta. Agad din siyang nagbubuklat doon. "Eto ba 'yun?" Itinaas pa niya ang pinutiang tela na tila kulambo.

"'Yan nga," agad ko iyong kinuha at isinuot rin kaagad. Muli akong bumalik sa banyo para tingnan ang aking sarili. "Bakit parang walang nabago? Revealing pa rin..." Ngumiwi ako dahil naiilang pa rin ako.

"Come on. Okay na 'yan." Iiling-iling pa niyang sabi at wala nang dalawang isip na hinila ako palabas ng villa.

Nang tuluyan kaming makalabas ng villa ay agad naming natanawan ang mga pinsan niya na naghaharutan sa tubig kasama ang mga girlfriends nito. Naglakad kami palapit sa kinalalagyan nila at noon ko na lang napansing naka-swimsuit lahat ng mga babae na halos kagaya rin ng sa akin kaya't kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Iyon nga lang ay hindi ko pa rin maiwasan ma-concious dahil ang gaganda rin ng kanilang mga katawan. Para silang mga modelo sa sobrang sexy!

"See? Ma-out of place ka sa kanila kung nagt-shirt at short ka, diba?" nakangiting bulong pa ng asawa ko sa akin.

"Kahit one piece man lang sana ang binili mo para sa akin." Sinimangutan ko siya.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon