Chapter 14

93K 1.8K 88
                                    

CHAPTER 14

XIAL ANDREW's POV

Time passed by so fast. Walang araw na hindi ko pinuntahan ang asawa ko sa kanilang bahay kahit most of the time ay umuuwi akong luhaan.

Just like the other day, nandito na naman ako sa harapan ng bahay nila hoping she would finally give me a chance to talk. Pero tulad nang nakakaraan ay hindi pa rin siya nagpakita sa akin.

"Xial, hijo," alanganin pang tawag sa akin ni Aling Amelia. She was Timmy's mother. Kahit hindi kami pormal na magkakilala, hinahayaan niya akong tumambay sa harapan ng bahay nila. Sa araw-araw ay siya lamang ang bumabati sa akin pero nananatiling nakadistansya pa rin siya. Gustuhin ko mang magtanong ay 'di ako nabibigyan nang sapat na lakas ng loob lalo pa nga't halatang iwas siya. Mukhang iyon din ang bilin ng asawa ko kaya't hindi ko rin makuhang magtanong. Pero sapat na sa aking makita niya na sinsero ako sa intensyon ko. Sana makita lang din ni Timmy 'yun.

"Nanay..." mapait ko pang bati. Gusto kong kabahan dahil ngayon lang naman siya lumapit sa akin matapos ang ilang linggo. Fvck, I hope it's not as bad as what I thought it was.

"Hindi ka pa ba napapagod kakapunta dito?" tanong pa niya na para bang bahagya pang napangiwi.

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Hindi po siguro mangyayari 'yun. Mahal ko po si Timmy."

"Wala na dito si Timmy," mapait pa niyang sabi.

"Po?" Napatanga ako at hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon sa sinabi niya.

"Nand'un na siya sa totoo niyang mga magulang."

"Excuse me?" Did I even heard it right?

"Hindi ba niya sinabi sa'yo?" kunot-noo pa niyang tanong.

Umiling ako at parang hindi maproseso ng utak ko ang kanyang sinabi.

"Tara muna sa loob," sabi pa niya sabay hila sa akin papasok sa kanilang bahay.

Pagpasok pa lang ay agad na bumungad sa akin ang ilang mga pictures nila nakasabit sa wall. Hindi ko naiwasang mapangiti nang mahagip nang aking paningin ang picture ni Timmy noong siya'y dalaginding pa lamang. She was indeed very pretty.

Pero agad ding nawala ang titig ko sa picture na 'yun nang maramdaman ko ang kamay ni Aling Amelia sa aking braso.

Pinaupo niya ako at isang malungkot na mukha ang iniharap niya sa akin.

Nagsimula siyang magkuwento tungkol kay Timmy at habang nakikinig ay halos hindi ako makapaniwala. Marami pa rin pala akong hindi nalalaman tungkol sa kanya.

Nang makatapos siya sa pagkukuwento ay mariin na lang akong napapikit at dinaanan ng kamay ang aking buhok. I couldn't believe this. We'd known each other months and I knew nothing about it. Not even a single detail.

"Puwede ko po bang malaman kung saan ko puwedeng puntahan si Timmy?" Nagbabakasakali lang din ako. That's a lot of info I could take in but there's just no way I would give a damn about it. I love her. Nothing could ever change that.

"Hay naku, anak, dumadalaw sa amin si Timmy tuwing araw ng Sabado at Linggo. Karaniwan, gabi lang siya nandito at umuuwi rin. Kung gusto mo, sa ganoong araw mo rin siya taymingan," payo pa niya. "Hindi ko pa rin kasi alam kung saan ang bahay nila. Hindi pa kami napupunta at hinahayaan ko muna rin siyang i-enjoy ang buhay kasama ang totoong mga magulang niya."

Humugot ako nang malalim na buntong-hininga. Parang gusto kong panawan nang tino sa isipin pa lang na matatagalan ko pang makausap ang asawa ko.

"Pero mamaya sabi niya, dadaan daw siya dito. Nagpaabot lang ng mensahe d'un sa bestfriend niyang si Enchong," nakangiting sabi pa niya at agad naman akong napadiretso nang upo. There was the chance. I couldn't messed this up.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon