Chapter 15.4.4

83.5K 1.7K 33
                                    

CHAPTER 15.4.4

TIMMY GIANNE's POV

Habang lumalalim ang gabi ay mas umunti na ang mga bisita namin. Puro malalapit na kamag-anak at kaibigan na lang ng parents ko ang mga nand'un. And, I assumed, malapit ang pamilya ni Xial sa pamilya namin dahil sa pag-aasikaso ni Dad sa kanila. Panay din ang kuwentuhan nila sa nakaraan kasabayan nang malulutong nilang tawanan. Bago ako pumasok sa guestroom kung saan nand'un si Hubby ay siniguro ko munang walang tao sa hallway.

Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko agad si Hubby na tulog na tulog. Mabilisan akong pumasok at ini-lock ang pinto.

Maingat akong lumapit sa kinalalagyan niya at agad na namaywang. Umiling ako at parang gusto ko siyang kutusan nang isa sa noo.  Ano naman naisipan nito at uminom nang ganito? At sa party ko pa talaga?

Naupo ako sa gilid niya at pinagmasdan ang kanyang gwapong mukha. Mapulang-mapula ang kanyang pisngi pati na rin ang labi.  Mapula rin ang mga nakatagong balat niya sa katawan na palatandaan nang nakainom.

"H-Honey... H-Honey..." mahinang usal pa niya na nakapagpagulat sa akin. Shit! Gising ba siya? Bahagya akong napalayo pero nang mapagtanto kong tulog siya ay tsaka ako kumilos.

Since may personal ref ang guestroom, tiningnan ko if mayroong lamang ice 'yun. Pero sa kasamaang palad ay walang laman iyon at tanging malamig na tubig lang. Puwedeng pamunas na 'to. Naghanap ako ng bimpo sa closet pero wala namang laman iyon na kahit ano. Pumunta ako sa banyo at tanging towel ang nakita kong nakasabit doon. Puwede na ito kaysa ang pumunta pa sa kwarto ko. Mahirap na mamataan ako ng roving guards at baka kung ano pa ang mai-report kay dad.

Binasa ko ang maliit na parte ng towel nang malamig na tubig at siya kong ipinamunas sa mukha ng tulog na tulog na Hubby ko. Natutunan ko lang ang ganito kay Nanay noon. Kapag medyo nakainom si Tatay ay pinupunasan niya ng bimpo na binasa sa malamig na tubig para raw medyo mahimasmasan at mabawasan ang pag-iinit ng katawan dahil sa alak.

"H-honey..." usal pa niya sabay bahagyang dumilat pero tipong hirap na hirap.

"Bakit ka naman nagpakalasing?" mahinang tanong ko pa na may himig na panenermon.

Umiling lamang siya at ipinulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.

"'Wag mo akong ipagpapalit d'un, huh..." nakapikit na sabi pa niya. "'Wag mo akong ipagpapalit d'un, huh..." Inikot ko ang mga mata ko at hindi ko naisip na ganito siya kaseloso.

"Paano kita mapupunasan kung hindi ka aayos nang higa?"

"Ayos lang. 'Yung nandito ka sa tabi ko okay na," sagot naman din niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa baywang ko. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na tumatagos sa aking damit.

Ano pa nga bang choice ko? Binitiwan ko na ang towel at hinagud-hagod ko na lang ang kanyang buhok. Napabuntong hininga ako at sobrang miss na miss ko na talaga siya. Kaya lang ay tinikis kong hindi siya makita para na rin magpalipas nang sama ng loob. And, besides mukhang sincere naman siya. Sabi nga ni Nanay walang araw na hindi siya pumunta sa bahay simula nang mangyari ang incident sa beach house.

"Hon..." Sinubukan niyang bumangon kahit na parang nahihirapan. Ilang beses din niyang natutop ang kanyang noo na senyales ng kanyang pagkahilo.

"B-bakit?" mataman ko naman siyang tinitigan at halos manuot sa ilong ko ang amoy ng alak mula sa kanyang hininga.

"Please, come back home," nagsusumamo pang sabi niya. Sobrang lamlam ng kanyang mga mata na parang babagsak na.

"Iba na ang sitwasyon ngayon," Bumuntong-hininga ako at marahang umiling. "Walang alam ang parents ko tungkol sa ating dalawa. And besides, hindi naman nga totoo ang kasal natin, diba?"

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon