Chapter 11.2.2

85.9K 1.6K 45
                                    

Published: August 18, 2013

Old A/N:
Aminan na nga ba??? :) Thanks po ulit for reading! :)

********

CHAPTER 11.2.2

TIMMY GIANNE's POV

Sa halip na sa mansion ay sa condo unit muna kami tumuloy. Seryosung-seryoso pa rin ang kanyang mukha at parang ang lalim nang iniisip.

"Ano bang pag-uusapan natin?" masungit pang tanong ko. Paano naman kasi, nakarating na kami sa condo ay sobrang tahimik pa rin niya.

Sa halip na magsalita ay humugot lang siya nang isang malalim na buntong-hininga at mataman akong tinitigan sa mukha. Lumapit siya nang husto sa akin at mahigpit akong niyakap.

Nanigas ako at hindi ko malaman ang dapat na maging reaksyon. Pumikit ako at ninamnam ang bango ng kanyang katawan.

"I'm sorry..." bulong pa niya at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga.

"B-bakit ka nagso-sorry?" Kumakalabog ang puso ko hindi pa man.

Kumalas siya nang yakap sa akin at hinila ako palapit sa sofa. Naupo kami at agad niyang ginagap ang kamay ko. Dinala niya iyon sa kanyang labi at dinampian nang maninipis na halik. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang emosyon.

"I am pissed..." pag-amin pa niya at ipinilig ang kanyang mukha upang titigan ako.

"Pissed? Sa akin?" kumunot ako.

"To myself..." mapakla pa niyang sagot. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at muling nag-iwas nang tingin.

Tumahimik ako at hindi ko rin alam ang dapat na itanong. Mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko at ngayon naman ay tila minamasahe iyon.

"When I saw you the other day with other man, I got really confused..." Dinungaw niya ako gamit ang malungkot na mga mata.

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan pa ring tanong ko.

"I'm jealous..." tumikhim siya at mariing itinikom ang kanyang labi.

Tumitig ako sa kanya at tinantiya ang kanyang sinseridad. Ang hirap paniwalaan nang sinasabi niya. "Jealous? Ikaw?"

"At n'ung makita ko pang hahalikan ka n'ung kumag na 'yun, mas lalo kong na-confirm ang feelings ko para sa'yo." Muli niya akong dinungaw at salitan pa siyang tumitig sa aking mga mata at labi.

"Huh? Puwede bang 'wag ka na magpaikut-ikot? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?!" panunungit ko pa kahit na parang naririnig ko na ang kalabog ng puso ko hindi pa man.

"I'm in love with you..." marahan pa niyang sabi sabay mataman akong tinitigan sa mga mata.

Saglit na tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon. He's in love with me? Nag-iwas ako nang tingin dahil ang daming isinisigaw ng kanyang mga mata.

"I love you, Timmy..." malambing pa niyang sabi.

"Joke ba 'yan?" kumunot ako at agad na nangilid ang luha ko. "Diba sabi mo noon, hindi ka mai-inlove sa akin?"

Mapait siyang ngumiti at umiling. "I guess I was wrong..." Ikinulong niya ang mukha ko sa kanyang dalawang palad at mataman akong tinitigan. "Neither did I ever imagine that this will happen."

"X-xial..." Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang maging emosyonal.

"I love you. Do you feel the same way about me?"

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon