Old A/N
halu po sa readers nito! Oh well, pagpasensyahan na ang mga wrong grammars. Mahirap din para sa akin ang mag-edit kasi talagang minsan ang dating tama sa akin, mali naman para sa iba. so, pasensya na po sa mga flaws. enjoy lang! happy weekend!
<3 ate dean
********
CHAPTER 4
XIAL ANDREW's POV
Sa halos isang linggong paghahanda ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay namin ni Timmy. I introduce her to my parents as soon to be my wife.
"Xial," humawak si Timmy sa braso ko at ramdam ko ang kanyang panlalamig.
"W-what?" Takang napatitig ako sa kanya at parang nahuhulaan ko na ang nararamdaman niya. If she's nervous, so am I.
"K-kinakabahan a-ako." Sabi pa niya at hindi naman maikakaila iyon sa ekspresyon ng kanyang mukha. Saglit akong napatitig at sa totoo lang ay ang laki talaga nang iginanda niya nang maayusan pa. Nagmukha siyang manika dagdag pa na ang sexy nitong tingnan sa suot na dress. She's too tempting. Knowing that I had that one chance owning her body.
"Hey, relax ka lang." Ginagap ko ang tila nagyeyelo niyang mga kamay. "You're so cold." Piniga-piga ko iyon at hindi makakabuting gan'un siya kapag pumasok na kami sa loob ng mansion.
"Baka himatayin ako sa loob." Sabi pa niya sabay kagat sa kanyang labi. Wala ako sa sariling napatitig sa labing iyon and I can still recall how soft her lips against mine.
"I'm here to back you up." Kaswal lang na sabi ko sabay banayad na tinapik ang kanyang mapulang pisngi.
"Pero-" Hindi ko na siya hinayaang magsalita at mabilis na kinudlitan nang halik ang kanyang labi.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang labi sa pagkagulat.
"P-para s-saan 'yun?" Nauutal pang tanong niya.
"To keep you calm, I guess..." Napakamot ako ng ulo at hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yun.
"Oh," yumuko siya at parang hindi rin makapag-isip nang tama.
Pero nang maramdaman kong tila may papalapit sa amin ay agad ko ulit hinapit si Timmy sa baywang at walang pag-aalangang sinakop ulit ang kanyang labi.
"Xial, ehermm..."
Pinilit kong magpakanatural at binalingan ang nagsalita. I knew it was my mother.
"Hi there, mama." Matamis pa akong ngumiti habang hinagod-hagod si Timmy sa likod.
"You might want to come in first." Seryoso pa niyang sabi at bahagya pang umiling. "Mamaya na 'yan." May himig panunungit pang dugtong niya.
"We'll be right there." Ako na rin ang sumagot lalo pa nga't nakatulala pa rin sa akin si Timmy.
At nang makaalis na nga si mama ay tsaka ko ulit binalingan si Timmy.
"It has to look real. I mean," paliwanag ko pa. "We should act like a real couple. You know what I mean, right?" Alalang napatitig pa ako sa kanya at baka magbago siya nang isip sa aming dalawa.
"O-of course!" Pinilit pa niyang ngumiti at alam ko namang hindi siya komportable sa ginawa ko.
"Come on." Binalewala ko na ang kanyang reaksyon at sa halip ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya habang papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO YOU
General FictionHindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa...
