Chapter 12.1.4

87.8K 1.6K 48
                                    

Published: August 22, 2013

CHAPTER 12.1.4

TIMMY GIANNE's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, higit na mas naging natural na ang pakikitungo namin ni Xial sa isa't-isa. Higit siyang mas maalaga at mapagmahal.

"Good morning!" nakangiting bati ko pa sa kanya na noo'y nagiinat-inat sa higaan. At dahil araw ng linggo ay hindi ko na inabala ang kanyang mahimbing na pagtulog.

"What time is it?" kunot-noo pa niyang tanong at pasimpleng pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa.  Nakabalot pa ang aking katawan sa tuwalya.

"It's seven o' clock." Hinapyawan ko nang tingin ang desk clock.

"It's early pa pala. Bakit ang aga mo yatang bumangon?" nagtatakang tanong pa niya.

"Wala naman. Nagising kasi ako nang maaga. Hindi na ako dalawin nang antok kaya naligo na lang ako."

"Oh..." bahagya pa siyang tumango. Matapos ang ilang saglit ay agad din siyang bumangon sa higaan para pumunta sa banyo.

Sinamantala ko ang pagkakataong nasa banyo siya at mabilisang nagbihis. Hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam nang pagka-ilang sa tuwing makikita niya akong halos hubad.

"You're dressed already?" nakangisi pa niyang tanong at mabilis na nag-init ang aking pisngi.

"E, ano pa bang gagawin ko?" pinilit kong magpaka-kaswal at sa salamin muna humarap. Sinuklay ko ang aking buhok at iniwasan ang mapanuri niyang tingin.

"I just thought we could have an early snack?" Humakbang siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap galing sa likod. Inilagay niya ang kanyang mukha sa kurba ng aking leeg at manipis na hinalikan iyon.

"Ang aga-aga, kalokohan kaagad ang nasa isip mo." Umirap ako kahit na sa totoo lang ay halos madala na ako sa kanyang mga halik.

"Kalokohan? I don't think so," ngumisi siya sa aking leeg at naglakbay ang kanyang kamay sa pagitan ng aking mga hita. "Wait... May mens ka pa ba?"

"Mayroon pa 'no..." nahihiya pang sagot ko.

"Really?" tila nagdududa pa niyang tanong.

Pero gan'un na lang ang gulat ko nang biglang maglakbay ang kanyang kamay sa aking harapan at hinaplos iyon!

"Xial!" Tinapik ko ang kanyang kamay at pinandilatan siya sa salamin. Higit na mas mapula ang pisngi ko ngayon.

"You little liar. You're not wearing any pad." mas lalong lumaki ang ngisi niya. Akalain ko ba naman kasi na hihipuin niya ang bahagi kong iyon.

"Puro ka kalokohan!" Mabilis akong lumayo para umiwas pero higit na naging mas mabilis ang kilos niya at mahigpit akong hinapit sa baywang.

Saglit akong nagpumiglas habang tumatawa pero nang dumampi na naman ang labi niya sa aking leeg ay tuluyang nagiba ang depensa ko.

"I want you now..." Yumuko siya at gigil na sinakop ang labi ko.

Nanghina ang aking mga tuhod at mahigpit na napakapit sa kanyang balikat.  Mas gusto ko na lang mahiga. Masyadong nakakalasing ang kanyang mga halik.

"Xial, ang aga-aga..." banayad ko siyang tinapik sa pisngi habang bumababa ang kanyang halik sa aking dibdib.

"Okay lang 'yan..." nakangiting sabi pa niya sabay buhat sa akin.

"Ayaw mo muna bang mag-coffee?" Pilit ko pang pagliligaw. Alam kong bibigay na naman ako kung hindi ko siya pipigilan ngayon.

"This is much better than coffee..." nakangiting sabi pa niya sabay dagan sa akin at muli na namang sinakop ang labi ko. Hindi na niya ako binigyan nang pagkakataong makapagsalita pa.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon