Mariing napapikit ako ng mga mata nang muli niyang inilapit ang mukha sa akin na para bang hahalikan ako.
Isa...
Dalawa...
Bago pa umabot sa tatlo ang bilang ko ay nagtaka na 'ko. Bakit wala yata akong naramdaman? Hindi ba dapat hahalikan niya ako?
Nagmulat na 'ko ng paningin at mukha pa rin ni Heather ang nasa harap ko. We stare at each other for a moment before she burst into laughter. Umalis siya mula sa pagkakadagan sa'kin nang hindi tumitigil sa paghagalpak.
Hanggang ngayon pakiramdam ko stiffed pa rin ang buong katawan ko dahil sa kaba, pero siya, halos maluha-luha na dahil sa katatawa.
"Bakit ka pumikit?" Humahagikhik niyang tanong.
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko at hindi makapaniwalang napatingin ulit sa baliw na kasama ko.
Kung siya ay namumula ang mukha dahil sa katatawa, ako dahil sa kahihiyan.
Hala! Bakit nga ba?
"I'm going to kiss you. Hindi mo ba yun naisip?" Halata ang pagpipigil niyang matawa ulit. "I'm expecting something unpleasant. I thought you're gonna push me, slap me, hit me or something. Pero hindi." Napailing siya. Oo hindi na nga siya tumatawa pero nakangisi naman na parang amused na amused sa nangyari. "Pumikit ka lang. Dapat pumalag ka or nagsisigaw. But you didn't. Pumikit ka."
Gusto kong magsalita para idepensa ang sarili pero hindi ko magawa tuwing sasabihin niya ang "Pumikit ka." Para tuloy akong nanliliit sa sarili.
Bakit nga ba kasi ako pumikit? Samantalang aware akong hahalikan talaga niya 'ko.
"Hahayaan mo talaga ang nang-a-assault sayong harass'in ka?"
"Assault?" Halos hindi ko masambit. "H-harrass?"
"What if." Seryoso na ang mukha ni Heather ngayon. Ang bilis naman ata magbago ng mood niya?
"Ang weird mo." Komento ko na lang saka bumangon. Hanggang ngayon halos di pa rin ako makapagsalita. "Kinabahan ako sa totoo lang."
"Pero bakit ka nga pumikit? Dapat sinampal mo 'ko o sinapak o tinulak." Sabi niya habang nagtutungo papunta kung saan nakalagay ang mga gamit niya sa arts. "What if I'm a guy," Sabi ulit niya na may hawak na ngayong parang icepick. Hindi ako sigurado kung ano yun. Basta. Parang pwedeng ipangsaksak.
Muli akong nakaramdam ng kaba sanhi para mapausog ako sa pinakadulo ng sofa.
Spanish for milk! Psychopath yata 'tong roommate ko.
"...tapos naisipan kong pagsamantalahan ka." Parang nagha-hand gesture siya habang nagsasalita pero hindi ko mawari kasi do'n sa hawak niyang matalim na bagay ako nakatingin. Mukha siyang normal pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kung anu-anong naiisip ngayon. "Anong gagawin mo? Pipikit ka lang? You're not gonna freak out? You're not gonna defend your self? Hahayaan mo lang akong pagsamantalahan ka?"
Habang nagsasalita si Heather ay naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ko at ang mga mata'y nakatingin sa hawak niyang matalim na bagay na nilalaro ng kanyang kamay.
Wala na 'kong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil sa kung ano-anong naiisip na ngayon ng utak ko. Parang nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa kapraningan. Nakakawindang 'tong babaeng 'to. Ano ba talagang balak niya?
BINABASA MO ANG
Haraam (GxG)
General Fiction"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if it's considered haraam?