“Hey, wake up.”
Too good to be true. Tao nga ba siya o ano? Masyadong perpekto ang babaeng ‘to. Kung totoo man ang anghel, anak sa labas marahil itong nasa harap ko ngayon.
“Vanessa, wake up.”
Sa mukha niyang nakakabighani, bakas sa labi niya ang nakakapanlinlang na ngiti at abuhing matang mahirap tantyahin kung nagsasabi ng totoo o hindi.
Naramdaman ko ang malambot na palad na humaplos sa pisngi ko. Sa pagmulat ko ng mata ay muli kong nakita ang perpektong nilalang sa panaginip ko.
“Finally, you’re awake.”
“Hmn?” Tila wala pa rin ako sa ulirat para makapag-isip.
“You had a brain operation. It worked! They made you pleasant and aggreable.”
“Huh?” Otomatiko akong napahawak sa ulo.
“Ha! I’m kidding.” At tuluyan nga akong nagising nang hampasin ako ni Heather ng unan sa mukha. “Get up. Your dad made us breakfast.” Wala sa kagustuhan kong hinila niya ‘ko sa kamay para sapilitang mapabangon. “We’re going somewhere after breakky.”
~~~~~~
Narito kami ngayon sa shooting range. Ito pala yung sinasabi nila na maghanda kami kasi may pupuntahan.
Cardboard targets, earmuffs, goggles, bala ng baril, putok ng baril at iba’t ibang klase ng baril. Hindi na bago sa’kin ang mga ganito. Noong buhay pa ‘yong tatay ko, madalas niya kaming dalhin ni Emil sa shooting range na ‘to kahit against pa si mama. Dahil sa pag-introduce niya sa’min sa ganitong mga bagay ay nagkaroon ako ng knowledge sa mga deadly weapons. Hindi angkop sa edad ko noon na magkaroon ng kaalaman sa mga bagay na mapanira pero ewan ko ba bakit trip ng tatay namin na i-introduce kami sa mga ganitong bagay. Ngayon naman pati sila tito Vincent.
“Not bad.” Kantyaw ko kay Heather matapos niyang maubos ang isang load ng Gloc 19. Walang bullseye pero pasok naman lahat sa target.
“Says lady Deadshot.” Irap kunwari ni Heather sa’kin matapos alisin ang earmuffs at goggles. “Alam mo? Di ko alam kung tinatakot ako ng mga tatay mo pero wala naman sila dapat ikabahala kasi di naman kita sasaktan. Di na natin kailangang umabot sa ganito.” Muli niyang kinuha ang unloaded na baril para ipakita ang tinutukoy.
Natawa na lang ako sa biro niya. Dumako naman ang paningin niya sa shooting vinyl na target ko. “Seriously. We barely know each other yet.”
“Ha?”
Ibinalik niya ang tingin sa’kin. “Who would ever thought na sharpshooter ka? Na ganito ang hobby mo? Na dito ka pro? I mean… what the fish! It blows my mind.” Di makapaniwalang komento niya.
“Hindi ba ako makikitaan ng pagiging badass?” Pabiro kong tanong.
“I only see you as a girl with an attitude. Yung parang laging may dalaw kaya masungit.”
“Hoy, hindi ako masungit. Hirap lang ako makipag-blend in sa iba. Parang ikaw, di ka rin naman palakaibigan a.”
“I have friends. Malayo lang sila.”
BINABASA MO ANG
Haraam (GxG)
General Fiction"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if it's considered haraam?