Chapter 5

1.9K 106 10
                                    

Linggo na, wala pa rin si Heather. Miyerkules noong nagpaabot siya ng excuse letter. Simula no'n hindi ko na siya nakikita sa klase namin, maging dito sa pad dahil hindi siya umuuwi.

Dapat sana binasa ko na lang yung excuse letter para may idea man lang ako kung bakit hindi siya nakakapasok at kung bakit din hindi siya umuuwi rito.

At bakit ba iniisip ko siya?

An'dami ko ng nasasayang na oras kaiisip, pero wala naman akong nagagawa.

Procrastination lang siguro 'to. Tuwing bubuklatin ko kasi 'tong libro sa Constitution subject namin para sana mag-review e nauuwi sa pag-iisip ng kung ano-ano at kung sino-sino.

But at least, nakapag-iisip na rin ako ng ibang tao ngayon maliban sa ugok na Klein na 'yon.

Pukang amang anak ng bakang bakla!

Pabalibag kong inilapag ang libro sa higaan at bumaba na sa kama.

Napalingon ako sa desk ni Heather at napagdiskitahan kong umupo sa swivel chair niya. Inikot ko ang buong kwarto gamit ang de-gulong na upuan. Para akong ignoranteng batang walang magawa sa buhay. Nang ma-realized na para akong tanga, timigil din ako't bumalik sa dating pwesto.

Pinagmasdan ko ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. Medyo makalat. Nandito ang lampshade, laptop, mga libro, notebook, lapis at ballpen na nasa magkaibang lalagyan at kung ano-ano pang mga tipikal na gamit ng nag-aaral na estudyante. Nakuha ng atensyon ko ang stack ng papel na nasa gilid, katabi ng lampshade.

Dahil sa curiousity, kinuha ko ito para tingnan. May mga naka-imprintang sulat pero hindi ko maintindihan kasi hindi nakasulat sa alphabet na alam ko. Parang alon-alon ang characters ng letra, parang alibata or sanskrit or arabic.

Napakunot noo ako dahil sa pagtataka kung ano nga ba ang nakasulat at kung bakit sa ganitong paraan ito isinulat. Mga one inch din kasi ang kapal nitong papel at panay gano'ng letra ang naka-imprinta.

"Ang alien talaga no'n." Inayos ko ito at ibinalik sa dating kinaroroonan. Hindi ko naman kasi kayang basahin kaya bakit ko pa titingnan?

Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili. Kinuha ang wallet at tinahak ang pintuan. Kakain ako sa labas. Hindi dahil sa sosyal o mapera ako kun'di dahil wala akong alam iluto kaya aasa na lang ako sa pagkain sa labas.

Naalala ko na naman tuloy si Heather. Nasabi niyang wala rin siyang alam sa kusina kaya panay take-out siya ng pagkain sa mga fastfood.

Naisip ko tuloy na ginawa talaga ang fastfood para sa aming mga hindi alam magluto. Kaawa-awa naman pala ang mga kagaya namin. Mga inutil sa kusina.

Gaya ng nakagawian ko na, mag-isa na naman akong um-order. Mag-isa na naman ako sa table. At mag-isa na naman akong kakain.

Hindi naman ako naaasiwa kung ang lahat ng nandito ngayon ay may kasama whether mga pamilya, magkaibigan, grupo ng magbabarkada o pares ng magsyota (na alam kong maghihiwalay din naman. Walang forever.)

Pinili kong umupo sa sulok, sa gilid mismo ng glass wall para magawa kong pagmasdan ang labas habang kumakain.

May mga ibang pinagtitinginan ako pero wala akong pakialam. Pumunta ako rito para kumain. Bakit, mandatory ba na kailangan may kasama sa kahit saan?

Spanish for milk!

Si Heather ba yun?

Kamuntik bumara sa lalamunan ko 'yong kinagat na burger dahil sa nahagip ng paningin ko.

Para kasing nakita ko si Heather na may kasamang babae habang naglalakad sa pedestrian lane. Nag-second look ako para kumpirmahin kung siya nga 'yon pero wala na. Green lights na at nagsiusad ang mga nakahintong sasakyan. Hindi ko na siya mahagilap sa daan, pati 'yong kasama niyang babae.

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon