"Heather?"
Natigilan siya sa paggigitara't pagkanta saka napatingin sa'kin.
"Did I wake you up?" Tanong niya. "'sensya na, wala akong magawa e. Di rin ako makatulog, that's why," bahagya niyang iniangat ang gitara para ipahayag ang kaninang ginagawa.
Hindi ko pinansin ang paliwanag niya. "Binuhat mo ba 'ko papunta sa higaan mo?"
"Ah, yeah. I found you sleeping here in fetal position. Ako nahihirapan no'ng nakita yung position mo kaya inilipat kita sa bed ko."
"Bakit sa higaan mo pa?"
"Kaya kitang buhatin pero hindi ko kayang i-lift ka pa hanggang sa itaas ng double deck." Ibinalik niya ang atensyon sa gitara.
Oo nga naman. Ako nga, hindi ko kayang magbuhat ng tao. Yung dalhin pa kaya sa higaang mataas?
"Ikaw ba yung kumakanta?" Katangahang tanong ko. Huli na para bawiin ko pa ang sinabi.
Lumingon siya sa magkabilang gawi saka muling humarap sa akin. "Tayo lang dalawa rito at ako ang may hawak na gitara. Sino sa tingin mo?"
Napangiwi na lang ako. Bakit ko ba kasi tinanong. Eh obvious naman. "Sorry. Akala ko kasi panaginip."
Bahagya siyang natawa. "Gusto mo bang kurutin kita o batukan? Para malaman kung panaginip pa rin ba 'to."
Hindi ko na lang ulit siya binigyang pansin. Sigurado na akong hindi na ito panaginip kasi nakikipagbiruan na naman siya kahit hindi naman nakakatawa. Mas nakakainis pa nga.
Gusto ko sanang itanong ang title no'ng kinakanta niya kanina pero dahil sa nasopla na 'ko, wag na lang. Tinalikuran ko siya para dumiretso sa kusina kahit hindi alam kung anong pakay ko para magtungo roon.
"Kumain ka na?" Tanong niya sa'kin, pero bago pa 'ko makasagot ay siya ulit ang nagsalita. "I bought pizza."
Lumabas siguro siya para bumili ng makakain.
Natigilan ako at muling humarap sa kanya. "Anong oras ka dumating?" Tanong ko bigla.
"A short while ago."
Napatingin ako sa orasan. Parang mali ako.
Mag-aalas nueve na ng gabi. Kaninang alas cuatro y media siya ng hapon umalis. Ibig sabihin humigit-kumulang apat na oras siyang wala. Sa apat na oras na yun, alangang lumabas lang siya para bumili ng makakain?
"Sa'n ka galing?" Tanong ko ulit.
"Ba't mo tinatanong?" Walang tingin niyang sabi, abala sa pagpa-pluck sa string ng gitara.
Napatingin ako sa kitchen at nakita sa mesa ang hindi pa nabubuksang pizza box.
Muli akong napatingin sa kanya. "Ikaw ba, kumain na?"
"Tapos na. Kanina. Sa labas. Nag-take out na lang ako ng pizza para sayo. Pasensya na, hindi ako marunong magluto."
"Binilhan mo 'ko ng pizza para sa dinner? Bakit? Mag-roommate lang tayo."
Muli siyang tumigil sa ginagawa at tumingin sa'kin. "Bakit ba ang dami mong tanong? Kung nag-'Thank you' ka na lang. Eh di tapos." at saka ulit nagpatuloy.
BINABASA MO ANG
Haraam (GxG)
General Fiction"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if it's considered haraam?