Chapter 8

1.9K 106 20
                                    

"Ang studious naman." Komento ni Heather nang makita akong nagbabasa ng MIMS.

Gumaya siya sa'king umupo sa sahig kung sa'n may carpet. Ako, nagsasaulo ng generic at brand name ng mga gamot. Siya, nakisalo lang para siguro pagdiskitihan ulit ako. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa magtanong siya because of curiousity... sa palagay ko.

"Bakit pala mas mahal ang branded kaisa generic?"

"Siguro kasi labeled and patented kaya mas mahal." Hindi siguradong sagot ko.

"Sus. Hindi porque may label e, mas mahal na. Di totoo yan."

Hindi ko inaasahang matatawa ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. Pinagmamasdan ang fingernails niya, mukhang bored na bored.

"Kung bored ka, mag-paint ka na lang o kung ano man. Wag kang mang-istorbo ng iba for your entertainment."

Ibinaba niya ang kamay at lumingon sa'kin. "Ako?" Turo niya sa sarili. "Bored?" Bigla siyang napasinghal ng tawa. "I never get bored."

Hindi ko na ulit siya inimikan at itinuon na lang sa binabasa ang atensyon pero nakikinita ko from my peripheral vision na tumayo siya at umalis. Hindi rin nagtagal at bumalik na naman. Saglit ko siyang nilingon at nakitang may hawak na siya ngayong sketch pad at lapis. Muli akong nagpatuloy sa pag-aaral.

Mahinang tunog ng paglilipat ng pahina ng libro ko at kaluskos ng lapis ni Heather sa papel ang tanging maririnig sa pagitan namin hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"If I could escape and recreate a place that's my own world"

Mahina at napakalumanay lang ng pagkanta niya habang patuloy pa rin sa ginagawang pagguhit.

"And I could be your favorite girl forever. Perfectly together. And tell me—"

Tumigil siya sa pagkanta nang mahuli akong nakatingin sa kanya.

"I'm sorry. Nag-aaral ka pala." Sabi niya sabay lipat ng papel sa kanyang sketch pad at nagsimula ulit gumuhit ng panibago.

Hindi naman nakaka-distract yung pagkanta niya. Sa totoo nga, parang mas gusto ko pa na marinig na lang siyang kumakanta habang nag-aaral ako kesa naman yung mang-di-distract siya sa pangungulit. Maski acapella lang, parang ang perfect nang pakinggan dahil sa ganda ng boses at rendition niya ng kanta.

Muli akong napatingin kay Heather. "Ba't di ka na lang mag-aral?"

Napahinto siya sa ginagawa at tumingin din sa'kin. "Ha?"

"Kung w-wala kang magawa, ba't di ka na lang mag-advance reading para sa major subjects mo next sem? Kesa naman kung ano-anong ginagawa mo diyan."

Bumalik siya sa pag-sketch nang hindi man lang ako kinibuan.

Tamad sigurong mag-aral 'tong babaeng 'to kaya puro bagsak ang grades. Haynaku. Okay lang sana kung libre ang tuition.

Isinara ko na ang binabasang libro. "Heather," Tawag ko sa atensyon niya. "hindi ka ba nanghihinayang sa mga failed grades mo?"

"Why would I?" Walang tinging tanong niya pabalik. Kung umasta parang hindi bigdeal yung pagkakaroon niya ng sandamakmak na bagsak.

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon