Chapter 10

1.7K 86 12
                                    

Nakahalumbaba kong pinagmamasdan ang pag-ikot ng tubig at mga damit ko sa loob ng katapat na washer.

Wala akong pasok at ito ang araw ng labada para sa'kin kaya nandito ako sa isang laundromat na malapit lang sa building ng aming pad. Hinihintay matapos ang labahin.

Sa pagkabagot ay hindi ko maiwasang isipin si Heather. Kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit hindi siya kumain kagabi?

Pero kanina kinain din naman niya yung tinake-out kong pagkain niya kagabi. Nilagay ko yun sa fridge para hindi masira. Nang i-check ko kaninang umaga, wala na do'n at nakita ko ring naka-plug yung microwave. So, baka nagutom at kumain. Sana naman. Hindi ko masiguro kasi paggising ko, wala na siya sa pad. Hindi ko rin alam kung sa'n siya nagpunta.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong napahikab. Nabuburyo akong panoorin ang pag-ikot ng nasa loob ng clothes washer. Ako lang mag-isang nakatambay dito, maliban sa staff na nasa counter. Yung ilang mga taong naabutan ko kanina, pansamantalang iniwan muna ang labahin dito.

Hindi pa 'ko kumakain simula pagkagising kaya napagpasyahan kong pumunta muna sa sidewalk café na meron sa kabilang kalsada lang, katapat nitong kinaroroonan kong laundromat. Makapag-brunch man lang.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone na nasa backpocket ng short shorts ko. Mabuti na lang at nakatawid na 'ko, inilabas ko ito at binuksan ang message para basahin. Galing kay kuya Emil. Tinatanong kung nasa'n ako. Hindi ko na ni-reply. Ibinalik ko ang phone sa bulsa saka na dumiretso sa counter ng café para umorder, pagkatapos ay naghanap ng mauupuan.

Mag-isa na naman ako. Okay lang sa'kin kesa magkaroon nga ng compaña, di ko naman ka-clique. Pero may parte rin sa'kin na si Heather ang hinahanap kapag nakakaramdam ako ng kagustuhang may kasama. Hindi ko maipaliwanag.

Ngayon ko lang napagtanto na kapag naiisip ko si Klein, hindi na 'ko masyadong naapektuhan. Hindi na 'ko gaanong nasasaktan dahil sa ginawa nito, hindi na 'ko nanghihinayang sa nagwakas naming relasyon, parang di ko na rin magawang magalit at higit sa lahat hindi ko na ito nami-miss. Naka-moved on na kaya ako? Tanggap ko na ba talaga na wala na kami? Ewan.

Simula nang marinig ko ang paghikbi ni Heather kaninang madaling araw, yung concern ko parang napunta lahat sa kanya. Hindi mapakali ang isip ko kung ano nga ba ang dahilan ng kanyang pag-iyak. Ramdam kong hindi siya okay pero kelan pa?

Ang hirap naman kasing i-figure out ng alien na yun. Iba ang ugali niya sa loob ng unit at iba rin siya sa labas.

Kapag kaming dalawa lang, napakapapansin niya, madaldal at talagang nakakainis. Kapag may ibang tao sa paligid, para naman siyang may sariling mundo. Ni hindi ko pa siya nakikitang may ibang kausap o kasama kapag nasa eskwelahan.

Tamad siyang mag-aral kaya panay failed ang grades sa previous school, pero bakit no'ng pinilit siyang mag-recite kahapon, parang ang dami niyang alam? Parang ang talino niya. Ayun tuloy, naatake sa puso si Sir dahil sa mga pinagsasabi niya.

Mukha siyang okay pero parang hindi rin. Panay siya biro pag kinakausap ko pero pag siya naman ang bumangka sa usapan, kung ano-anong mga pinagsasabi niya at mapapaisip ka na lang.

Sa kaiisip ko, hindi ko namalayang ubos ko na pala ang croissant sa plato ko. Napabuntong hininga na lang ako saka uminom ng kape.

Nang matapos sa pagkain ay agad na rin akong nag-ayos para mabalikan ang labahin sa laundromat.

Habang naglalakad ay hindi ko inaasahang mahahagip ng paningin ko ang magandang babaeng laman parati ng isip ko. Parang bumagal ang oras at tila kay tagal kong napagmasdan ang kabuuan niya. Nanumbalik lang sa normal ang lahat nang makalampas ako sa gawi niya. Hindi naman ako naka-drugs pero bakit parang nagkaroon ng slow motion at para ding nawala ang lahat ng bagay sa paligid ko sa mga sandaling iyon maliban sa kanya? It was probably like three seconds but it seems like forever.

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon