“... as my roommate,” Dugtong niya sa sinabi. “I don’t want you to be with me just because we’re in the same pad or we’re just friends.” Paglilinaw niya. “I want you to be someone I can call mine.”
Mas lalo akong naguluhan to the point na kailangan ko pang isipin ulit lahat ng sinabi niya kaya di ko magawang magsalita agad. Otomatikong napatingin ako sa mga bagay na narito.
"I want you to be someone I can call mine."
Parang nag-e-echo pa ng paulit-ulit sa isipan ko ang huling sinabi niya.
Kagaya rin ba ako ng mga gamit na narito na pagmamay-ari niya?
“But it’s okay if you don’t like me back.” Pagbasag niya sa katahimikan. “Gusto ko rin namang ma-experience ang one-sided love na ako lang ang nagmamahal. Sawa na rin naman akong sila lagi ang may gusto sa’kin.”
Sa kabila halo-halong feelings na naglalaro ngayon sa akin ay bigla na lang akong natawa at winisikan siya ng tubig mula sa faucet.
“Ang yabang mo rin ‘no?” Natatawang singhal ko sa kanya. “At one-sided love? Mahal agad? Ang landi mo sa part na yun.”
“Minsan lang naman ako lalandi at sayo lang. Ayaw mo ba?”
“Di ka talaga makausap ng matino kahit kelan.”
Hindi kaagad siya nagsalita at mukhang hinintay na mapansin ko yun upang tumingin ulit sa kanya. “Kung iniisip mong joke lahat ng yun, nagkakamali ka. Matino ako sa part nang sabihin kong gusto kita.”
Tiningnan ko siyang mabuti at inaabangan ang pagngiti niya pero wala. Mukha talaga siyang seryoso at sinsiro sa lagay niya ngayon. Nakakainis! Ang hirap espilengin ng babaeng ‘to. Hindi ko na tuloy alam kung gino-goodtime pa rin ba niya ako o seryosong may gusto talaga siya sa’kin. Ang hirap kasing paniwalaan.
“Bakit?”
“Isa pang ‘Bakit’, hahalikan na kita. Puro ka follow-up question. Alam mo bang nahihirapan akong sumagot kasi hindi ako magaling sa pag-express ng feelings? Mas gusto kong idaan na lang sa painting pero sige, I’ll try to put my feelings into words.” Saglit huminto at nakatingin sa sink. Namalayan ko na lang na pinatay niya ang nakabukas na faucet. “Wag kang magsayang ng tubig. Maraming nauuhaw sa Africa.”
Hindi ko na lang hinintay pa ang confession niya kung meron man. Binuksan ko ang faucet at ipinagpatuloy ang ginagawa.
“Vanessa, gusto kita kasi… hindi ko alam.”
Sabi na nga ba hindi siya seryoso. Tinapos ko na nga lang ang hugasin. Nagsasayang lang ako ng oras sa taong nasa tabi ko. Akma na ‘kong aalis nang magpatuloy siya sa sinasabi.
“It was first of April, this year when I made up my mind to end my life. Galing ako no’n sa doctor to fill up my prescription. I thought of overdosing myself with all the meds I have. Kaso bago pa ‘ko makarating dito sa pad na ‘to, bigla akong may nakabanggaan at ikaw yun.” Napapailing siyang ngumiti. “The first thing that I noticed was your puffy eyes. Tapos imbes na magalit ka sa’kin kasi nabangga kita, you didn’t say a thing after cursing. You proceeded like nothing happened. Dahil sa mugto mong mga mata, halatang umiyak ka magdamag. And you acted like you don’t care about anything anymore. That was the oddest April fools that ever happened to me. Joke of kismet. With that simple circumstances, na-realized kong hindi lang ako ang miserable sa mundo. Na may katulad akong nawalan ng buhay at pakialam sa lahat. And yung nangyaring aberya sayo was a blessing in disguise para magkakilala tayo.”
Nanumbalik ako sa araw kung saan kami unang nagkita at sa mga panahong tila nawawala ako sa sarili. Di ko matanggap yung pagkamatay ng parents ko noon, nagrerebelde sa bagong magulang at brokenhearted din kay Kline. Sa panahong hindi na ako sigurado kung saan nga ba patutungo.
BINABASA MO ANG
Haraam (GxG)
General Fiction"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if it's considered haraam?