Chapter 20

1.9K 84 19
                                    

“So, you’re actually related.”

Tapos na ang white coat ceremony. Narito kami ngayon sa isang restaurant para mag-dinner and celebration na rin bago umuwi; umuwi sa bahay ng foster parents ko...kasama si Heather.

Alam kong siya ang responsable sa pag-attend para sa’kin nina Mr. Linares. Hindi ko alam kung anong pag-uusap ang nangyari. Kaya naman pagkatapos ng ceremony, sinabi kong sasama si Heather sa amin sa ayaw niya’t sa hindi dahil marami siyang kailangang ipaliwanag sa’kin. Wala na rin naman siyang nagawa nang mismong fosters ko na ang kumumbinsi matapos kong sabihing wala siyang kasama sa kanyang uuwian.

Ang kinakapatid ng tatay ko - na sa ngayon ay legal guardian kong si Vincent Steffan ang naging attendee para sa’kin kanina sa ceremony at ang partner naman nitong si Mr. Roel Linares ang naging attendee para kay Heather.

“Hindi sila totoong magkapatid.” Singit ko sa pag-uusap nina Heather. Kunwaring abala sa pagso-sort-out ng mga dahon sa plato dahil hindi ko pa rin magawang tingnan sila kapag nagsasabi ng salitang alam kong hindi okay sa kanilang kalooban.

“What?”

“Uhm, galing kami sa ampunan. Hindi kami magkadugo ni Emilio,” Tukoy nito sa totoong tatay ko. “pero naging magkapatid dahil parehong mag-asawa ang kumuha sa amin. Sa kanila namin nakuha ang surname na Steffan.” Pagkaklaro ni tito Vincent sa kalituhan ni Heather.

May tuwang bumaling sa’kin si Heather. “You’re not a foster kid. You and Sir Vincent have legitimate connection.”

“Pero hindi nga kami blood related. Kung tutuusin wala siyang pananagutan sa’min ni Emil. Hindi na niya kami responsibilidad.”

“What are you saying? Sir Vincent here isn’t just your foster dad. He is your father’s brother.”

“Sa papel.” Paalala ko.

Ang kuya kong si Emil lang ang talagang kadugo ko kaya naman tanging ito lang ang ikinokonsidera kong natitirang pamilya maski pa sabihing magtiyuhin kami ni tito Vincent. Hindi kami magkadugo kaya iba ang tingin ko sa kanya. O baka nga siguro noong panahong ‘yon ay in denial pa rin ako sa biglaang pagkawala ng magulang ko kaya hindi ko matanggap na basta na lang akong napunta sa poder ng iba.

“Family isn’t always blood, Vanessa. It’s the people in your life  who want you in theirs. The ones who accept you for who you are. The ones who really cares about you.”

Wala namang ipinakitang mali sa’kin si tito Vincent pati ang kinakasama nitong si Mr. Linares. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sarili kung bakit hirap ko silang tanggapin bilang bagong magulang. And just to be clear, walang issue sa’kin ang pagiging bakla nila. Ang gusto ko lang talagang maging magulang ay ang totoong mga magulang ko. ‘Yon ang dahilan ng madalas naming pagtatalo ng mga taong umako sa’kin; Nagalit ako sa mundo at hindi masabi sa kanila ang saloobin kasi feeling ko may barrier pa rin between sa’min. At naiinis din ako noon sa masyado nilang pagiging strikto. Monitored ang bawat pag-alis at pagdating ko ng bahay. Kailangan laging may paalam bago umalis. Nao-OA-han ako sa pagiging over-protective nila.

Samu’t sari ang issue sa pagitan namin noon na panay mabababaw na bagay ang dahilan at nauuwi sa bangayan dahil sa pagiging Akala-mo-kung-sino ko.

Maling-mali. At naiintindihan ko ang bawat pagkakamali ko. Sa mismong oras na ‘to muli kong naalala ang kawalang-hiyaan ko.

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon