Bumalik na naman ang lagnat ni Heather pagsapit ng hapon kahit pinainom ko na siya ng gamot.
"Kung di ka pa gagaling, baka hindi ka makapasok bukas." Saad ko habang inilalabas ang mga pinamili kanina sa grocery.
Nasa sala siya, naka-indian sit sa sofa at may nakaakap na blanket sa katawan habang nanonood ng documentary na kasalukuyang palabas sa TV.
"Anong gusto mong gawin ko? Kausapin 'tong sakit ko na umalis na?"
Hindi ko na lang siya inimikan. Pagkatapos ayusin ang pinamili ay nagpainit ako ng sabaw sa microwave para ibigay sana sa kanya pero namalayan ko na lang na narito na rin siya sa kusina at kinakain na ngayon ang binili kong potato chips na para sa'kin.
"Kaya ka nagkakasakit kasi unhealthy foods kinakain mo."
"Ikaw din naman." Sabi niya kahit may laman ang bibig. "At may sakit ako kasi napilayan nga ako, not because of junk foods."
Nang tumigil ang timer ay inilabas ko ang bowl na may mainit na sabaw mula sa microwave at ibinigay ito sa kanya saka inagaw ang nilalantakan niyang potato chips.
Humila ako ng upuan para saluhan siya sa hapag. "Sa'n mo ba nakuha yang pilay mo?"
Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko o busy siya sa paghigop ng sabaw kaya wala siyang isinagot.
"Kung Muslim ka, ba't wala kang cover sa ulo?" Tanong ko ulit. Hindi ako feeling close gaya niya, curious lang ako.
"Hijab ang tawag do'n." Pagtatama niya. "And it's not necessary for us to wear that thing. Parang sa Christians lang din. Required ba na um-attend kayo sa mass every sunday? Lahat ba kayo nagsisimba? Hindi naman diba? Gano'n din sa'min yung pagsuot ng veil, it's not a religious obligation. Ewan ko ba sa iba, masyadong devoted. Conservative kuno."
Hindi na lang ako nagkomento, ang pinaka-ayaw kong usapan kasi ay ang tungkol sa religion pero bigla ulit akong may naalala tungkol sa kanya.
"Ang mother mo ang Pakistani at siya talaga ang Muslim diba? Sabi mo nag-convert lang yung father mo into Islam para sa mother mo?" Kung sa paksang pinaka-ayaw ko rin lang ang laman ng usapan, gusto kong ituon na lang ito tungkol sa kausap ngayon. Mas intereso kasi ako sa buhay niya.
"Oo, ang tanga 'no? Nag-iba ng religion in the name of love?" At kung makapagsalita parang wala ring galang sa magulang niya. "'Kala ko ‘Love knows no boundaries’, pero bakit may mga taong bigdeal ang pagkakaroon ng differences lalo na sa religion? Diba sabi ‘Love one another’. Bakit sa iba yun ang hindrance?"
"Ewan ko." Wala naman talaga akong masabing komento at gusto kong hayaan lang siyang magsalita habang pinagmamasdan ko ang lahat sa kanya; ang mukha niya, ekspresyon, galaw...lahat.
"Halimbawa sa isang religion na meron dito sa Pilipinas," Sentimyento ulit niya. "hindi sila pwedeng magpakasal sa hindi nila ka-religion. So, paano yung taong yun na may mahal na kaloliko? Kailangan magpa-convert yung mahal niya sa religion nila para maging sila? Nasa'n ang pagmamahal do'n kung may kondisyon? At paano kung maghihiwalay din pala sila? Edi, naagrabyado pa yung paniniwala no'ng letcheng nagmahal?"
Bukod sa wala akong pakialam sa topic ay talagang wala rin akong masabi sa mga opinyon niya.
"Kaya ikaw, kung nagmahal ng A at isa kang B. Wag mong piliting maging A para lang mapatunayang mahal mo siya. Wag niyong gawing bigdeal ang pagkakaiba niyo sa religion, race, status o sa kahit ano."
"Okay madam." Sagot ko na lang habang pumapapak ng potato chips. "Ano palang ibig sabihin nitong halal?" Tanong ko na naman nang mapansin ang nakatatak sa likod ng plastic nitong kinakain ko.
BINABASA MO ANG
Haraam (GxG)
सामान्य साहित्य"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if it's considered haraam?