Chapter 16

1.5K 82 10
                                    

"Ba't wala kang ginagawa?" Pansin ko kay Heather nang makitang wala siyang ginagawa dito sa laboratory.

Sa pagkakaalam ko Clinical Chemistry ang lab-class nila dito. Ako naman ay narito upang mag-autoclave ng mga kailangang i-sterile para sa Microbiology lab namin, ako kasi ang nautusan at nandito sa room na 'to ang kailangan kong gamitin.

"Absent yung lab partner ko."

Binasa ko ang nakabukas na manual. Dugo ang specimen na kailangan nila para sa gagawing test. Napatingin ako sa mga kaklase niya at mukhang abala ang mga ito sa dapat gawin. "So, kailangan niyo mag-extract ng dugo?"

"Yeah, but I'm not doin' it."

"Bakit? Takot ka sa dugo."

"Hindi. Wala nga yung partner ko. Sinong kukunan ko? Sarili ko?"

"Makiusap ka sa iba."

Hindi na niya 'ko inimikan. Nanatili siyang naka-cross arms at nakatingin sa mga kaklase.

"Why're you here? Pa'no ka nakapasok e may ginagawa kami dito?" Tanong niya bigla.

"May ginagawa sila." Pagdidiin ko.

"Ba't ka nga nandito? Para lang makita mo 'ko 'cause you already miss me?"

"Kupal mo. Hinihintay ko lang matapos yung ino-autoclave ko." Napatingin din ulit ako sa mga kaklase niyang abala sa ginagawang blood extraction. "Hindi ba delikado 'tong activity niyo ngayon? What if isa pala dito may AIDS?"

"As a medlabsci student, I'm doing phlebotomy since first year, at gano'n din naman siguro sila." Tukoy niya sa mga kaklase. "Kabisado na namin ang venipuncture and we're doing it carefully under the supervision of our instructor at hindi rin kami tanga para itusok din sa'min ang used na syringe or laklakin ang nakuhang dugo." Ang suplada naman niyang mag-explain eh nagbibiro lang naman ako. Hindi sinasadyang mapalingon kami sa isa't-isa at di ko inaasahan ang maloko niyang pagngiti. "AIDS doesn't matter anyway."

Ang seryoso niyang sumagot kanina tapos bigla-bigla na lang magbibiro ng hindi nakakatawa. Unpredictable talaga 'tong babaeng 'to.

Di na lang ako umimik pa. Itinuon ko na lang ang atensyon sa mga taong narito. May halatang kinakabahan, may nagrereklamo kasi masakit daw, may tingin ng tingin sa libro na mukhang di pa rin alam ang gagawin, may nagre-ready pa lang at may isang walang ginagawa at malayo sa lahat; ang babaeng nasa tabi ko.

Muli akong bumaling kay Heather. "Pa'no kung wala kang mahinging blood sample sa iba?"

"I'll leave this blank." Tukoy niya sa activity na nasa manual. "Anong maisasagot ko kung di ko gagawin yung test diba?"

Chineck ko ang gamit niya at nakita namang kompleto ang mga kailangan. "Ako na lang kuhanan mo."

"Are you insane?"

"Insane ba yung kailangan kuhanan ng dugo?"

"Ha-ha. Funny."

"Simulan na natin. Diba sabi mo kabisado mo na ang venipuncture?" Nag-spray ako ng alcohol sa kamay bago kunin ang tourniquet at ibigay sa kanya.

"I'm not doing it." Ibinalik niya sa lalagyan ang gamit.

"Okay lang naman sa'kin."

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon