Chapter 18

1.8K 98 31
                                    

“Look. What do you think?” Tanong ni Heather nang matapos ang sa tingin ko'y wood sculpture na kahapon pa ginagawa. “I just have to polish it.”

Nakaupo siya sa sahig habang ginagawa ang panlililok at ako nama'y nakahiga sa sofa, nagbabasa ng libro. Pero para ngang props na lang ang hawak ko kasi di naman ako makapag-concentrate dahil sa ingay ng pagpukpok niya sa kahoy. At imbes na magtungo sa kwarto ay nag-stay pa rin dito para masulyapan si Heather sa kinaroroonan.

Konti na lang at iko-consider ko ng guilty pleasure ang nakaw-tingin na ginagawa ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag sa sarili kung bakit gustong-gusto kong pagmasdan si Heather lalo na pag busy siya. Sa simpleng pagluluto, pagsusulat, pagdo-drawing, pagpipinta, panonood niya ng TV at kung ano-ano pang mga bagay kung saan nakatuon ang kanyang atensyon.

“Angry bird ba 'yan?” Pabiro kong komento sa gawa niya.

“Ha-ha. Funny. Hindi mo ba alam kung ano 'to?" Bahagya pa niyang itinaas ang hawak. "It's the Owl of Minerva.”

“Ano naman?”

“Hindi mo ba kilala si Minerva?”

“Roman counterpart ng Greek goddess of wisdom, Athena.” Walang pakialam kong sagot, kunwaring abala sa paglilipat ng pahina.

“The virgin goddess of knowledge, poetry, music, medicine, commerce and the crafts.”

“Kailangan talaga i-stress yung 'virgin'?”

“I want to say the full title with veneration.”

“Diba 'yang kwagong 'yan ang main symbol ng Illuminati?”

Nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa, mukhang hindi niya inaasahan ang alam ko. “Yeah. But they prefer to be called Perfectibilists.”

“Okay, pero bakit ngayon mas kilala ang Illuminati sa triangle na may mata sa gitna? An'yare sa kwago ni Minerva?”

“Nagka-bird flu.” Di seryosong sagot niya sa huli kong tanong at nagpatuloy sa ginagawa. “Well, many religions used the image of an eye to represent God or some sort of higher power, like the Eye of Horus.” Paliwanag niya habang abala sa pagpapaganda ng sculpture. “But about the triangle with eye on the middle, hindi ko alam. It's clearly a pyramid, pero di ko maintindihan ang association no'n sa Illuminati. At di ko rin maintindihan, why most people fear anything about this guild?”

“Siguro kasi it's about Freemasonry tapos dahil do'n naging synonymous sa Satanic rituals or something anti-christ kasi diba atheist ang mga member no'n?”

“People fear what they do not know.” Komento ng kausap ko. “Freemasonry is not some evil dark club nor a cult. It's a cultural movement of intellectuals. They tend to reform society using reasons to challenge ideas isolated in tradition and faith. And of course, to advance knowledge through scientific method. Sa madaling salita, secret society ng mga highly intelligent aristocrats.”

“Bakit ba an'dami mong alam sa ganyan?”

“Kasi gusto ko ring maging Perfectibilist.” Sagot niya saka ako tiningnan. “Nah. I'm kidding.” Bawi niya at bahagyang natawa. “Marami lang talaga akong natututunan sa labas ng eskwelahan kesa sa loob. Pero wala e, useless naman daw 'yong knowledge ko about random things kasi di ko daw magagamit sa trabaho. So, mag-aaral na lang ako sa loob ng uni about stuff na di ko gusto such as blood extraction.”

“Since wala ka na sa poder ng mga taong may gusto ng ayaw mo, ba't ginagawa mo pa rin 'yong gusto nila para sa'yo?”

“Para matuto ako. Diba nga sabi ko mahina ako sa Science kaya nag-aaral ako ngayon ng science and med-related course. Basically, nilalagay ko ang sarili sa mga hindi ko kabisado para kahit papaano maintindihan at matutunan ko. Kung magpo-focus lang ako sa mga bagay na kabisado ko, pa'no madadagdagan ang alam ko?”

Haraam (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon