Nakaupo kitang nakita
nang magpangabot ang mata,
Sulyap na iyong binigay
ako atay maaadik na.
Paglingon sa iyo'y dumadalas
itsura mong walang pintas,
sa makulit na halaklak
at mga matang nangungusap.
Pakiramda'y hindi naglaon
pagnanasa ay rumurok,
kumakawalang kasakiman
sa isipa'y hindi mapigilan.
Nagnanakaw na ng tingin
pagkat sa iyo ako'y naaadik,
sa isipan ika'y kinakausap
pagkat ikaw lang syang laman.
Ako ay isa nang adik
na makukuha ka sa tingin,
sulyap na hindi naibigay
naisip na ikaw ay nakaTayo na

BINABASA MO ANG
Tadhana
PoetryBinubuo ng mga salitang naglalaro sa aking isipan at mga ideya na gustong kumawala