Pagod ka na

9 0 1
                                    

Nakakasawa ngunit ano ang magagawa kung ang mata mo ay pagod na.
Kahit iyong ipikit, ito ay tapos na.
Kahit anong sigaw, ikay paos na.
Kahit anong habol, hininga moy kapos pa. Kahit anong galing, ikaw ay laos na.

Pagod ka na, pagkat nasusulyapan ko sa iyong mga mata.
Sa ngiti mong mapanlinlang
mga tawa mong nakahahawa.

Pagod ka na,
pagkat hindi na pawis ang lumalabas sa iyong mga mata
kundi patak na ng mga luha.

Pagod ka na,
pagkat paos na ang iyong puso
Pusong pilit ipinagsisigawan na kaya mo pa.

Pagod ka na,
marahil ipikit mo muna ang iyong mga mata
Upang makapagpahinga ka.
At sa iyong pagmulat sana isabay ang isip mong tanga.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon