Wala na

7 1 0
                                    

Mga makulay na luha ang sumisigaw sa saya.
Mga maiinit na titig ang nagpaparamdam ng ligaya.
Mga nakakabinging ingay.
Kasabay ang mga gawa na magbibigay kahulugan sa pangyayareng payak.

Isang ikaw at ako ang dating naging Tayo.
Isang siya na ipinalit mo sa ako
Ang sa akin ay gumugulo.
Isang tanong na sinagot mo ng oo
Ang sa pangarap na dalawa kita ay tumapos.
Kaya ngayon...

Mga tahimik na luha ang sumisigaw na nasasaktan.
Mga malamig na titig ang nagpaparamdam ng kawalan.
Mga nakakabinging katahimikan.
Kasabay ang mga salita na magbibigay kahulugan sa pangyayareng hindi payak.  

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon