Paano kung hindi tayo nagkita?
Ikaw ba ngayon ang aking sinisinta?
Paano kung hindi ka tumingin?
ikaw ba ang papansinin?
Paano kung hindi mo sinubukan?
Ako ba ay titigil sa pagluha?
Paano kung hindi ako kinausap?
Ako ba ay mapapalagay?
Paano kung ako'y pinaaasa?
Magagawa ka bang talikuran?
Paano kung ako'y umalis?
Sa iba ka na ba titingin?
Paano kung hindi ako ang nais?
May ngiti ka ka ba ngayong matamis?
Paano kung sa pagkapit ika'y tumigil?
Magiging maganda ba ang gabing madilim?
Paano kung lumalim na ang pagmamahal?
Magisa lang ba akong magpapakahirap?
Paano kung wala kang pakialam?
Pagkakagapos mo'y akin bang luluwagan?
Paano kung ika'y aking pakakawalan?
Sa disisyon ko ba'y sasang-ayon na lang?
Paano kung ako na ang lumisan?
Ako ba ay iyong pababayaan?
Paano kung pagod na ako sa iyong kasinungalingan?
Pawis ko ba'y pupunasan ng iyong katotohanan?
Paano kung lahat ng ito ay maykatuturan?
Pag-aalala ko ba ay iyong pababayaan?
inspired by "Hopefulromantic" words
BINABASA MO ANG
Tadhana
PoetryBinubuo ng mga salitang naglalaro sa aking isipan at mga ideya na gustong kumawala