Nakaraan, Hinaharap, Bukas

26 1 0
                                    

Gusto mo bang tumakbo at pagpawisan?
mula sa responsibilidad na nakapasan sa iyong mga balikat.

sa mga taong walang tigil sa pagsaksak sa iyong likuran.

o sa nakaraang ayaw kang patulugin.

subukan mong lumangoy at sumisid

sa lalim ng buhay

kunin ang liwanag na nakatago sa dilim

at hindi na muling magpakita pa.

Bakit hindi mo sabihin?

sa bawat isa 
ang iyong mga ideya at opinion

na sa tingin mo ay makatutulong sa ating ina.

o mas gusto mong makinig ng katahimikan?

sa kung paanong kinakain ng anay ang sarili nitong bahay

sa kung paanong patuloy kang nabubuhay sa pangarap,

sa dilim,

sa takot.

Tumayo ka, simulan mo ngayon 

Kasabay ang pagangat ng ginintuang araw at magbigay ng liwanag sa iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon