natatandaan ko pa
ang itsura ng iyong sofa
kung saan una nating natikman ang tamis ng isa't isa
kung saan ang pulo at gata ay nagsama
hanggang ngayon ay nakikita ko
pero hindi na ako ang nakaupo
may matangkad, maputi, na nakayuko,
may bagong lalaki pero hindi na ako
kaya ngayon ako ay takot
hindi sa dahilang baka hindi "ikaw ang nakalaan"
Kundi alam kong "ikaw " at wala nang paraan
siguro kahit magka amnesia
ala-ala natin ay mananatili
dahil makakalimot ang utak
pero hindi ang puso.

BINABASA MO ANG
Tadhana
PoetryBinubuo ng mga salitang naglalaro sa aking isipan at mga ideya na gustong kumawala