Hindi Tama Na

27 2 1
                                    

Tama ba na pitasin ang bulaklak kung nagagandahan ka sa matingkad na kulay?
Marahil hindi tama na tamana ang makuntento ka lang sa pagsulyap kahit na kalaunan ay masasaktan lang kayong pareho.

Tama ba na tawagin kong dapit hapon ang araw na sumisikat pa lamang dahil lang sa parehas silang ginto?
Marahil hindi tama na tamanang sundin mo ang oras na nakalaan at abangan ang mga bulaklak na mamumukadkad kasabay ng bukang liwayway.

Tama ba na hawakan na ang ating hinaharap dahil sawang sawa na sa kakaboso sa ating kinabukasang walang simula?
Marahil hindi tama na tamana na makuntento sa sulyap, ilabas ang lakas ng loob na hipuin ang kasalukuyan at buoin ang kinabukasan.

Tama ba na mamatay ng isang dukha at salat ngunit hindi naman natutong maghangad?
Marahil hindi tama na tamana ang pagiging tanga upang mamatay kang naka nganga sa luho ng iba.

Marahil sa mga hindi tama na sinabi ay may tama na akong pinarating pagkat...

Dahil hindi tama na ang salitang tamana ay hindi maging tama na.  

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon