Sa dami ng bagay na matatandaan
Bakit yung oras na piningot ako ni inay
Dahil ba unang beses nyang ginawa iyon?
Bakit yung pagkupit pa ng limang piso
Sa pitaka ni lola?
Dahil ba huling beses ito?
Bakit hindi ko makalimutan
Yung unang beses na nalulong ako sa social media ng sobra.
Yung unang beses na umabot ng 5 oras sa tenga ko ang speaker ng cellphone,
Yung unang beses akong mag seen ng chat ng maganda,
Yung unang beses na nagpakilala pero hindi lang ako ngunit kasama ang buong angkan, ninuno, pinsan, kadugo at ang aking nakaraan.
Bakit hindi ko malimutan ang iyong ngiti
Ngiting mas makinang pa sa bituin nang una tayong nag skype.
Yung unang verse nang sinulat ko na ang nakalagay ay you're my kryptonite.
Yung unang beses na sinabi kong ikaw ay isang diwata.
Yung unang tula, kindat, Hi, halakhak, galit, dalaw at kung ano ano pa.
Bakit hindi natin makalimutan ang una.
BINABASA MO ANG
Tadhana
PoetryBinubuo ng mga salitang naglalaro sa aking isipan at mga ideya na gustong kumawala