Hindi ko ginusto...

8 0 0
                                    

Na maging bulag

Sa maling ugali mo

Hindi ako nagbubulagbulagan

Para lang mapansin

Dahil malinaw ang mga imahe sa aking kinabukasan.


Na maging manhid

Dahil alam ko ang pagkakaiba ng lamig at init.

Init ng mga ngiti at kamusta noong tayo ay nagkakilala at

Lamig ngayong tayo ay naguguluhan na.


Na Mawalan ng panlasa

Hindi sa ikaw ang gusto

Kundi sa kung paanong ang matamis na kwentuhan ay

Hindi ko na matitikman

Dahil ang pait ng kahapon

Ay sa dila ko'y nakabaon.


Na Magbingi-bingihan 

Sa mga sinasabi ng karamihan 

Na tayo raw ay bagay

Dahil imposible na magustuhan ako ninuman.


Na ganito ang na aamoy

Sa aking sarili.

Dahil tila sarili kong hininga

Ang sa katawan koy lumalason.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon