Sabi ko hindi kita crush,
Kasi mahal kita.
Sinabi kong hindi na kita mahal,
Kasi kailangan na kita.
Sibi ko'y ikaw ay maganda,
Puri upang mapansin mo sinta.
Ngunit binabawi ko na,
Dahil ayaw kong maakit sila.
Sa kwento mo ako'y natatawa,
Bagay na ginawa ko upang magpatuloy.
Kahit ito'y walang kabuluhan,
Sa iyo akoy interesado.
Boses na nakakarindi,
Pagnagtatalo sa tuwina.
Ngunit nakakabighani,
Kapag kitay kumakanta.
Kayat hayaan mo,
Na sambitin kong muli.
Mga katagang binitawan,
Sa iyo ay ipapaintindi.
Ikay hindi ko gusto,
Dahil hindi ka kagandahan.
Kwentong mong walang kwenta,
Dulot ng boses na nakakairita.
Mga bagay na nakita,
Taliwas sa nasilip ng iba.
Mga bagay na kakaiba,
Na sa iyo ko lang nakikita.
BINABASA MO ANG
Tadhana
PoesíaBinubuo ng mga salitang naglalaro sa aking isipan at mga ideya na gustong kumawala