Isang jigsaw puzzle ang tao
At dapat nililimi
Dahil sukat ang isa't isa
Upang makita ang tunay na ganda
Hindi ko alam kung tao
o isa tayong bagay
na nagpupumilit pumasok
sa buhay ng may buhay
Dahil ang pag-big ay pinagiisipan
at tayo'y munting piraso lamang
Sa isang malawak na paraiso
na tumapak sa buhangin nang palaisipan
Isang tao na kulang sa pyesa
pyesang hindi makitakita
upang maipakita ang kabuuang ganda
kung wala ang isa
Kahit magkakulay, magkahugis
kahit pareho ng tinatangis tangis
Kapag kitang dalawa'y pinagsama
walang mabubuong ganda
Isang jigsaw puzzle ang tao
na dapat nililimi
kung hindi sukat ang isa't isa
hindi ninuman makikita ang tunay na saya

BINABASA MO ANG
Tadhana
PoetryBinubuo ng mga salitang naglalaro sa aking isipan at mga ideya na gustong kumawala