Paksa

24 0 0
                                    

Malikhain ka
Dahil nakita ko,
Ng aking mga mata
Na habang pinupulot ang bawat basag na parte,
Bawat matatalim na tiwalang nasira sa sahig
Ay umaasa na makakagawa pa ng panibagong obra mula dito.


Mathemathecian ka
Kasi magaling kang magsukat
Hindi dahil sa alam mo ang angulo ng bawat kanto ng aking muka o kapal ng aking taba,
Kundi alam mo ang kapal ng bawat kanto ng magulo kong buhay nung ako ay bata.


Physically fit ka
Dahil alam mo kung paano tumakbo sa mga nakaraan
Kung kailan susuntukin ang buwan
Kung kailan tatalon sa kasalukuyan
Kung kailan tatalunin ang problema
Upang sabihing Check mate.


Magaling ka sa language
Dahil alam mo kung ano ang sasabihin.
Alam mo kung paano sasabihin
Ang mga salitang gusto kong marinig
Kahit na nabibingi at nabubulag na ako sa katotohanan.


Magaling ka, kaso science
Kasi hindi ko maunawaan kung paano nakaapekto ang gravity sa pagkahulog sa iyo
Kung paanong ako lang ang nagkaka-tension kapag nakukuha ang iyong atensyon.
Kung bakit magkaiba naman tayo pero sa akin lang umipekto ang opposite attracts.
At kung paano naging like dissolves like, pero ako lang ang natutunaw sa pagkagusto.


Ang tanga ko.
Kasi hindi ko maipaliwanag kung bakit ka magaling, matalino...
Siguro... kasi...


Sa pagiging malikhain mo, pati ako na isang basura ay pinulot mo, nagaakala na may magagawang obra.
Matalino ka naman sa math pero bakit hindi mo alam na ang 1 + 1 ay masmababa sa tatlo.
At sa sobrang physically fit mo at galing tumakbo, ginawa mo din akong oval.
Sa sobrang galing mong magsalita, makakagawa na ako ang magandang hardin pero dapat may sign "huwag hawakan at damdamin, mas lalong huwag kunin sa tingin"


Magaling ka sa science kaso sayang
Wala akong naintindihan
Kasi ang puso ko ay napapagod na.
Ang utak ko, laspag na ang amygdala
Sana ako naman.
Sana matutunan ko naman na mapagod at magdala.  

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon