Ano ka ba?

22 2 0
                                    

Ano ka ba?

Upang hindi maramdaman ang lamig

lamig na nagmula sa kanlurang hangin

na nagsasabing ako ay yakapin

pagkat sa buto ko itoy gumagatid.


Ano ka ba?

upang hindi mapansin ang pagsulyap

pagsulyap na ninanakaw sa iyo paminsan minsan

sa kadahilanang sa iyyo ako'y may pagtingin

na hindi ko na kaya pang ikumbli


Ano ka ba!

upang hindi marinig ang sigaw ng aking puso

puso na ang tanging laman ay ang pangalan mo

na kahit paos na paos na paos ay hindi pa rin humihinto

pagkat inbolontaryo nitong ginagawa ito.


Ano ka ba!

upang ako ay iyong kaibiganin lamang

kahit na ang puso at isipan ay umaayaw

ako ay napa oo na lamang sa iyong desisyon

kahit na ayaw ko ng TAYO, at gusto kong MAGING TAYO


Ano ka ba?

upang maibigay ko sa iyo ang lahat lahat

kahit na alam kong sasaktan mo lang ay simige lang

ngunit sino ba ako para magreklamo?

Pagkat holdaper ka nga pala kamo


Ano ka ba?

ang aking tanong ngayong gabi! Pagkat noong nakaraan, ang nasa isipan ko ay "Sino ka ba?" bakit ka pa nakilala? at t^ng*na ka ba para hindi ako bigyan ng kahit kaunting pansin! Manhid ka ba? o ayaw mo lang sumugal sa takot na makabig ko ang itong damdamin at umasa... O... O... O... Pucha naman mauubusan na ako ng ideya kung ano ka nga ba talaga. marahil ay ipupokpok nalang sa aking makitid na isipan na ikaw lang ang laman na hindi mo ako kayang mahalin kagaya ng ginagawa ko sa iyo! para ikaw ang tamaan ng pako na aking ibabaon at maramdaman ang sakit na nararanasan...

...

...

...

...

...

Ngunit hindi kita kayang makitang nasasaktan kayat akin nalamang sasarinlin ang mga nararamdaman.



TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon